Kabanata 19

42.4K 1.2K 88
                                    

Kabanata 19

Shower

"Ang baho!"

"Tss. Manahimik ka nga, Monerov. Bibig mo lang 'yan," saway ko kay Monerov habang naglalakad sa loob ng tunnel.

Sobrang dilim at mabaho. Pumapasok na ang maduming tubig sa sapatos ko. Hindi naman masyadong matubig dito. Hanggang paa lang aabot ang tubig.

Mahigpit akong nakakapit sa damit ni Caspian na tahimik na naglalakad at nauuna. Nakasunod ako at nakasunod naman sa akin si Monerov.

Sobrang laki naman ng tunnel na 'to. Siguradong hindi babaha sa itaas dahil lahat ng tubig ay papunta rito. May iilang tubig pa na tumutulo mula sa itaas kaya medyo nababasa na rin ang buhok ko.

Halos isang oras din kaming naglalakad dito at naghahanap ng daan palabas. Sa wakas ay may nakitang trapdoor na metal si Caspian at nagtulungan sila ni Monerov na buksan iyon dahil sobrang bigat no'n.

When they finally removed the metal trapdoor, the light from the outside immediately illuminated us.

Monerov tried to reached the top and pulled himself up 'til he's out of the tunnel. Nagkatinginan kami ni Caspian.

"Oh?" nagtataka naman akong nakapamewang.

"Come here," utos nito at ginalaw pa ang index finger back and forth. Isang senyas na lumapit ako sa kanya.

Lumapit ako sa kanya nang hindi nagpoprotesta. Nakatapat na ang ulo ko sa butas sa itaas kung saan dumaan palabas si Monerov na naghihintay ngayon.

Nagulat ako nang mahigpit na sinakop ng mga kamay niya ang bewang ko. Then he lifted me up without a word. Agad naman akong tinulungan ni Monerov upang tuluyang makalabas na nga ng tunnel.

How did Caspian do that? He lifted me up out of this tunnel with no sweat? Phew.

Mabilis akong lumuhod at inabot ang kamay ko sa baba upang siya naman ang tulungan ko ngunit tinapunan niya lang ang kamay ko ng isang nakakamatay na tingin.

He gripped the sides of the hole of the open trapdoor and lifted himself up with no sweat again.

He's standing beside me now.

Nabalewala 'yong kamay ko na dapat ay tutulong sa kanya na hanggang ngayon ay nakalahad pa rin sa baba ng tunnel.

"Thank you," I murmured sarcastically while looking at my rejected hand. Padabog akong tumayo mula sa pagkakaluhod at tumabi kay Caspian.

"Monerov. Contact the gamblers' field and let them help you with this. Palabasin mo ang mga tauhan mo pagkatapos ay pasabugin na agad ang building na 'yon. Find another location, I'll give you the money for the construction of the new building and for the advance wage of your men. Make sure to triple my wasted money when everything brings back to normal." sunod sunod na utos ni Caspian habang nakaharap na ngayon kay Monerov.

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at narito kami sa isang masikip na alleyway. Nakapaligid sa amin ang gilid at likod ng mga building. May nakita akong basurahan, backdoor ng isang restaurant, mga ligaw na aso't pusa pero aside sa mga 'yon ay wala naman akong nakikitang tao.

"Right away, Sir!" aktibong sagot naman ni Monerov t'saka nauna ng umalis. Pero bago 'yon ay kumaway muna siya sa akin kaya kumaway din ako hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Kumunot ang noo ko at mabilis na bumagsak ang kamay sa gilid ko nang bumaba ang tingin ni Caspian sa akin kaya yumuko ako.

"Let's go," malamig ang boses ni Caspian at pumasok sa isang backdoor ng isang restaurant sa 'di kalayuan na sinasabi ko.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon