Kabanata 23

37.5K 1.1K 179
                                    

Kabanata 23

Lifeless

Isang marahas na kamay ang mahigpit na humawak sa damit ng lalaking nakadagan sa akin. Lumipad ang katawan ng lalaki nang tinulak ito ng ubod ng lakas at tumama ang likuran niya sa pader. Narinig ko pa na parang may tunog ng pagbali ng buto.

Mabilis ako napaupo at hinawakan ang paa kong may nakatali na kulay pilak na kadena. Dumudugo ito at mas lalo ko lang naramdaman ang hapdi nang hindi ko sinasadyang naigalaw ang kulay pilak na kadena.

"Lord!"

Umalingawngaw ang isang sigaw mula sa pinto ng silid kaya lumingon at nakita si Gordon na mabilis na tumakbo at nilagpasan ako.

Aba? Nilagpasan lang ako? 'Di niya ba ako tutulungan dito?

Nakakaiyak. Ang sakit kaya ng ankle ko. Sasapakin ko talaga 'tong si Gordon.

Sinundan ko siya ng tingin at nakitang  papunta siya sa kinaroroonan ng lalaking muntik na akong ginahasa at si...

Caspian.

Natigilan ako sa mga nasaksihan ko.

Caspian was like pounding his fist to the guy's body. Sunod-sunod ang pagsuntok niya sa mukha at tiyan. Ni hindi siya tumigil kahit na isang segundo. I looked at him in horror. Halos sumuka na ng dugo ang lalaki dahil sa mga suntok na binabato ni Caspian sa kanya.

"Lord! Tama na!" nalipat ang paningin ko kay Gordon na pilit pinipigilan si Caspian pero nasiko lang siya at napaatras.

Bumalik ang tingin ko sa mukha ni Caspian. Parang sobrang buong-buo na talaga ang desisyon niya na bugbugin ang lalaki hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Parang wala siyang naririnig. Kahit pa sobrang lakas at sakit sa tenga ng boses ni Gordon ay hindi siya nagpapatinag at patuloy lang sa pagsuntok sa lalaki.

Nakikita ko nang nagpapakita na ng buong-buo ang karamihan sa mga ugat sa braso at kamay niya. I even saw a glimpse of veins on his temple. Halos hindi magkahiwalay ang mga medyo makapal niyang kilay. Ang kanyang mga mata...

I looked in his eyes to see what's in there but all I can see is nothing. No anger, no feelings, nothing at all.

It's so... Lifeless.

"Lord! Stop? Stop! Ano ba! Kung ayaw mo sa tumigil ka eh 'di stop!" ang sarap talagang tadyakan sa mukha itong si Gordon.

Sinubukan kong tumayo at nang nagawa ko naman ay kusa akong nagpakawala ng daing. Ang sakit talaga. Ang hapdi.

Napatingin si Gordon sa akin pero hindi niya ako nilapitan. Parang natatakot siyang lumapit sa akin.

Anong problema nito? Hindi naman ako nanununtok ah. Dapat kay Caspian siya lumayo hindi sa akin.

I looked at Caspian again. Ngayon ko lang nalaman na balewala ang lahat ng 'yon, lahat ng inis, galit, sobrang galit na ipinapakita niya sa akin noon. Walang-wala lahat ng 'yon sa mga nakikita ko ngayon.

Kung noon ay parang nagawa ko pang lumapit sa kanya kahit takot ako ay nagtapang-tapangan ako. Noon 'yon. Pero bakit ngayon parang 'di ko magawang maging matapang? 'Di ko magawang lumapit kahit isang hakbang. Natatakot ako.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod at malamig na kamay ko.

"G-Gordon, pigilan mo siya," mahina lang ang pagkakasabi ko no'n pero alam kong narinig niya. Nainis ako nang umiling lang siya na parang wala  na talagang pag-asa na pigilan si Caspian. "Gordon!" sigaw ko ngunit para namang bumulong lang ako nang narinig ko ang boses ko.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon