Kabanata 2

64K 1.8K 412
                                    

Kabanata 2

Plan

"What the fuck? Are you really a fucking doctor or psychologist? Do you fucking job! Stop asking useless questions!"

Nagising ako nang dahil sa isang baritonong boses ng lalaki na demand ng demand.

Tignan mo naman 'tong lalaking 'to. Pati ba naman doctor hindi pinalampas?

Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa doctor.

Teka, anong meron? Ba't may doctor?

Ah, baka 'yong kamay niya pinacheck-up sa doctor. Ikaw nga suntukin ba naman 'yong pader ng walang dahilan?

T'saka Psychologist?

Baka tinanong siya kung nababaliw na ba siya dahil sinuntok niya 'yong pader kanina nang walang dahilan. Sinasaktan niya lang kasi ang sarili niya. Hindi normal 'yon.

Nakita ko kung paano napatingin sa akin ang doctor kaya naman ay nilingon din ako ni Caspian na mabilis nag-iwas ng tingin.

Guilty ba siya?

Uupo sana ako mula sa pagkakatayo nang bigla kong naramdaman ang sakit ng likod ko. Napadaing ako.

"Manang Rana, ikaw muna bahala sa kanya." rinig kong utos ni Caspian sa matandang kasambahay at agad naman tumango si Manang Rana.

Sinulyapan pa ako ni Caspian bago ito tuluyang lumabas ng kuwarto.

Hindi ko alam kung nasaang kuwarto ako ngayon. Sa laki ba naman ng bahay na 'to?

Saan naman kaya siya pupunta?

Napatingin ako sa wall clock at almost eleven na. Inistorbo niya pa talaga ang doctor? Baka isang family doctor 'to.

Natapos ang pagchecheck sa akin ng doctor at si Manang Rana naman ay lumabas na rin upang magpahinga.

Hihiga na sana ulit ako ngunit hindi ko natuloy. I stopped halfway from laying when I heard the sound of a car from the outside.

Isa lang ibig sabihin nito.

May dumating o may aalis.

Kahit masakit ang likod ko ay tumayo pa rin ako upang masilip ang nasa labas sa baba.

I slide the curtain to the side as I took a look outside.

Kotse 'yon ni Caspian. Pinaandar ni Rolando. Aalis siya?

Saan naman siya pupunta? It's late.

Napagpasyahan kong lumabas upang tanungin si Rolando. Hinahanda niya lang kasi ang sasakyan ni Caspian upang paglabas niya ay aalis na siya agad.

Nang nakalabas na ako ng kuwarto at bumaba ng grand staircase ay magtatanong na sana ako ngunit mas pinili kong magtago sa isang gilid dahil mukhang may pinag-uusapang importante sina Rolando at Fernando. Sobrang seryoso kasi ng mukha nila.

"Pupunta raw ng Empire House."

"Bakit daw?"

"Paddle."

Ano bang pinag-uusapan nila? 'Di ko maintindihan.

Narinig ko ang yabag ng mga paang pababa galing sa grand staircase kaya mabilis akong yumuko at palihim na pumasok sa backseat ng kotse.

May nakita akong kulay itim na tela kaya yumuko ako at nagtago sa ilalim no'n.

Ano naman 'tong ginagawa ko? Pinapahamak ko na naman ang sarili ko.

Well, ayoko lang maiwan sa bahay na 'yon na wala siya. Dahil binili niya ako, dapat kung nasaan siya ay nandoon din ako.

Narinig ko ang pagbukas ng driver's seat at halos hindi na ako huminga nang gumalaw na ang kotse.

A Hundred Billion Worth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon