Prologue

195 3 0
                                    

[Pak!]

Isang malakas na sampal sa pisngi ang naging dahilan upang tumilapon at mapaupo si Sun sa sahig ng covered court kung saan wala ng ibang katao-tao maliban sa kan'ya, sa sumampal sa kan'yang si Gio, sa girlfriend nitong si Jade at sa lima pa nitong ibang kaibigan.

"Ang simple lang naman ng hinihingi ko sayo ,hindi ba? Sagot lang naman, Sun! Sagot lang! Hinintay mo pa talagang umabot tayo sa ganito." Gamit ang kaliwa nitong kamay ay dinaklot nito ang mahaba n'yang buhok at sapilitang ini-angat ang muka nya dahilan upang mapa ingit s'ya sa sakit.

"I-it hurts! P-please. Stop!" Pag mamakaawa nya habang humahagulgol ng iyak.

Nanginginig ang buong katawan sa takot at walang tigil sa pag iyak dahil sa matinding sakit ngunit wala s'yang magawa. She feel so weak and pathetic.

"It hurts?" Sarkastikong ulit ng lalaki at muli syang napapikit ng mariin ng dumapo ang malaking kamay nito sa pisngi n'ya. "...kung ayaw mong masaktan edi sana binigay mo nalang ang sagot sa exam! Wala namang mawawala sayo eh! Tutulungan mo lang kaming makapasa. Ganon ba kahirap yon ha?! Sumagot ka!"

"B-but I'll be in trouble if the teachers find out, so p-please. I've been giving you the answer in exams ever since first year so please... Please l-let me go." Muli ay humahagulgol n'yang depensa.

Hindi n'ya alam kung ano'ng dapat n'yang unahin. Ang pag-inda ba sa mga sakit na dulot ng pananakit ni Gio o ang pag inda sa sakit ng pride na ngayon ay kaniyang nararamdaman.
Pakiramdam n'ya ay nanliliit s'ya sa kaniyang sarili kahit na sa umpisa palang naman ay talagang wala s'yang mai-pagmamalaki.

"Let me go?! Eh t*rantado ka pala eh! Sa tingin mo ba basta basta nalang kitang papakawalan?!" At sa muling pag kakataon ay muli s'ya nitong sinampal at sa sobrang lakas niyon ay agad s'yang nalugmok sa lupa. "...bagsak kaming pito dahil sayo! Kaya ibabagsak din kita ngayon." Gumuhit ang mapag larong ngisi sa muka ng lalaki at doon mas lalong kinabahan si Sun.

Kitang kita n'ya kung paano inabot ni Jade ang isang makapal na kahoy sa nobyo nito at parang naistatwa na s'ya sa kan'yang kinatatayuan ng itaas nito ang kanang kamay at bumwelo upang ihampas sa kan'ya ang kahoy.

[Oh, crap. I'm done.] Iyon ang unang pumasok sa kanyang isip bago sya mariing napapikit at nag intay ng masakit na pag tama sa kan'ya ng kahoy ngunit...

"Kids these days sure are pathetic."

Nang marinig ang tinig na iyon ay automatikong napamulat ng mga mata si Sun at doon ay nakita n'ya ang isang matangkad na babaeng may hanggang balikat na buhok, naka suot ng uniform na katulad n'ya, may itim na backpack sa likod at sa kaliwang kamay nito ay hawak ang isang sigarilyong kalahati nalang ang tira.

"And who the hell are you?" Maarteng tanong ni Jade sa bagong dating ngunit ni hindi manlang ito pinag tuunan ng pansin.

"It's already 5:30 in the afternoon, you kids should go home and do your homeworks instead of sh*ting around like this."

Sa isang iglap ay tila nawala ang lahat ng takot na nararamdamn ni Sun.While looking at the woman who is now slowly walking closer to them and listening to her cold voice, she felt so safe and secure.

"Hah?! At sino ka namang kutong lupa ka?" Maangas na tanong ni Gio at muling bumalik sa reyalidad si Sun ng makita n'yang itutok ng lalaki ang hawak na matigas na kahoy sa bagong dating na babae.

"Hindi ko binibigay ang pangalan ko sa mga walang k'wentang tao na tulad mo." Malamig na tugon ng babaeng hindi manlang kakikitaan ng kahit na konting interes.

Photograph [De la Frontera Series #1]Where stories live. Discover now