Chapter 35: Doom

8.3K 488 144
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 35: DOOM

ERIS' POV

Hinipan ko ang tasa na hawak ko bago ako sumimsim doon. Nagkakaroon na ako ata ng addiction sa hot chocolate ng hotel na dalawang beses sa isang araw ko atang inumin. Akala ko kape na ang one and only love ko hindi pa pala.

Napatingin ako kay Blaze na abala sa panonood ng TV. Siya rin pala kasama sa mga mahal ko. Isa sa mga patunay na bagay nga kami. Dati siyang kabit at marami akong kabit.

"Kamusta naman ang bakasyon niyo? Wala kayong balak mag-extend?"

"Bakit? Pwede ba?"

Napangisi ang kapatid ko na siyang ka-video call ko. Mukhang nasa dining hall siya base na rin sa paminsan-minsan na nakikita kong dumadaan na mga agent na kumakaway pa sa akin. "Hindi. Parang malapit ng magbuga ng apoy si Dawn kakahanap kung saan niya ilalagay ang mga pumapasok na mission."

To think na urgent mission lang naman ang tinatanggap ko habang si Blaze ay low risk missions lang. Ganoon kasi talaga kadami minsan ang mga dumadating na trabaho sa BHO CAMP. Minsan kami ang naghahanap ng missions at minsan naman gusto na naming magpaanod sa ilog sa sobrang pagod.

"Huwag mo kong sinisiraan." Nakita kong dumaan sa gilid ni Enyo si Dawn. The head of BHO division looked at the camera and gave me a small wave. "Enjoy. Hindi ko kayo kailangan."

Napatawa ako sa sinabi ng babae. Coming from Dawn, that's like her telling me to enjoy Blaze and I's vacation and not to worry about the organization.

"Ang bakasyon lang ang enjoyin mo. Hindi si Blaze."

Sandaling natigil ako sa akma sanang pag-inom ulit sa narinig kong sinabi ng kapatid ko. When I saw her eyes widened, I feigned ignorance by continuing to sip the hot chocolate.

"Eris Lawrence Wright."

I plastered an innocent look on my face. "What?"

She didn't speak for a moment. She just continued to stare at me as if she can hear my bullshit from thousand miles away. "You didn't."

"Didn't what?"

"Took a bite of the forbidden apple."

"I don't know what you mean." Wala naman talagang nangyari. Well at least not the extreme one that Blaze wouldn't give up no matter how much I try to make him break his resolve. Minsan pakiramdam ko ako pa ang nagiging manyak sa aming dalawa. "Hindi ako mahilig sa apple."

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now