Chapter 44: Gift

8.9K 493 189
                                    

BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 44: GIFT

ERIS' POV

"Are you still awake?"

Blaze's chest rumbled with laughter. He kept swaying me while his arms were wrapped around my waist and his chin was on top of my head. Around us, The Joker and The Queen are playing softly, just right after the song Blaze chose for the wedding, Yours by Russell Dickerson, ended.

"Dapat kasi natulog ka na pagkakain. Hindi ka naman hahanapin ng mga 'yan."

Isinandal ko ang ulo sa dibdib niya at nilingon ko ang pamilya namin. Katatapos lang naming kumain at wala na rin namang gagawin dahil may nakasalo na ng bouquet ko. Wala rin naman kaming detailed na program bagay na alam kong ikinaka-stress ng wedding coordinator namin. I mean saan ka naman nakakakita ng kasal na wala ng gagawin after sabihin ng pari na "You may now kiss the bride"?

But I want my wedding not to be just about me. Kada naman kasi may ikinakasal sa BHO CAMP ay parang nagiging family reunion na. Kaya nga ang tagal lagi ng reception dahil kainan at kuwentuhan lang talaga ang nangyayari. Ayoko namang mapilitan sila na makisali sa mga kadalasang ginagawa sa kasal samantalang taon-taon na lang ata may ikinakasal sa amin. It's just going to be too redundant. Kahit ako ay pagod ng ulitin ang mga ginagawa sa kasal sa dami kong napuntahan niyon kahit pa sabihing hindi naman ako bride noon. Weddings in BHO CAMP really revolve around the wedding of the bride and groom, and not what happens after. Maging ako ay ang unang bahagi ng araw ang inaabangan ko sa mga kasal ng mga agent.

Napangiti ako nang matanaw ko ang wedding coordinator namin na si Jennifer. Kasalukuyan siyang nakikipag-inuman kasama ang mga magulang nina Athena at Hera.

"Meron bang kasal na nawala ang groom?" tanong ni Blaze.

"Kahit ako pa ang mawala sure akong hindi nila mapapansin."

Our wedding reception is located on the beach, just a few meters away from where Blaze and I took our vows. My wedding organizer set up a huge white tent for our outdoor setting. There's what felt like hundreds of lanterns and fairy lights hanging around us to illuminate the place, since the sun had already set.

Sa labas naman ng tent ay may naka-set up na projector. Noong una ay ipinapalabas lang doon ang mga video na magkasama kami ni Blaze. His proposal video got played a number of times before Ainsley, Athena's daughter, went to me and asked if we could watch a movie instead.

Kaya ngayon ay imbis na mga bata lang ang nanonood ay nakaupo na rin sa buhanginan ang ilang agents kasama ang mga anak nila. Even the Original Elites are there. May iba naman na nasa loob pa rin ng tent pero katulad ng iba ay mga nakaharap din sa projector para manood. Kanina nga ay nag-iiyakan pa sila habang pinapalabas sa projector ang kuwento ng isang ama na nawalay sa anak niya. Hindi ko akalain na heavy drama pala ang Finding Nemo.

BHO CAMP #10: The Wild CardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon