Chapter 16: Infinity

10.2K 632 168
                                    

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#BHOCAMP #BlaRis #BHOCAMP10TWC

CHAPTER 16: INFINITY

ERIS' POV

Except the low sound of people talking on the other line of the listening device, everything around me was quiet. Madilim din ang paligid tanda na masyado ng malalim ang gabi. Tanging galing lang sa street light at isang ilaw na nasa mismong establishment ang pinagmumulan ng kakarampot na liwanag.

Huminga ako ng malalim at nilingon ko ang taong tahimik na nakatayo sa tabi ko. When he felt my eyes, he looked down at me.

"This is my scene," I told him.

"Hmm."

"We just need to get Kylie out and incapacitate the perpetrator so we can bring that person to BHO CAMP."

Blaze sighed as if expecting more. "Just spit it out, Grumpy."

"I want this mission to be clean. I don't want messy, so don't kill anyone."

"Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan. You're known for your chaotic missions, may I remind you? Sa lahat sa atin ikaw ang may pinakamadaming clean up."

Pinagkrus ko ang mga braso ko at nakasimangot na pinaningkitan ko siya ng mga mata. He's not lying. "Madami akong casualty pero hindi intensyonal iyon. Kasalanan ko ba na gusto nila akong hulihin at ikulong? My missions were known to be the quickest by far in our records."

"Talagang mabilis kang magtrabaho. Wala kang ginawa kundi pasabugin ang mga pinupuntahan mo kaya natatapos ka agad."

Akmang magsasalita pa ako pero nakarinig ako ng pagtikhim mula sa suot ko na LD. Inirapan ko si Blaze na umangat lang ang sulok ng mga labi.

"Excuse me, friends?" narinig kong pagsingit sa usapan namin ng kapatid ko. "Kaya ba natin today?"

I harrumphed before I turned away from Blaze. Itinutok ko ang mga mata ko sa establisyimento sa harapan ko. My eyes are seeing more than the exterior of the place, and yet there's no movement inside. Sa kabila niyon ay malakas ang kutob ko na nasa tama kaming lugar.

We're at the location where Disciples Alliance conducts their support group. This is the main and first branch of their organization here in the Philippines where they teach children and youth about the words of God. Ito lang din ang branch kung saan gumawa sila ng support group para sa mga namatayan o nawalan ng miyembro ng pamilya lalo na ng mga anak.

How vile it is that unknowingly, their missing children are being imprisoned here? Na ang mga batang hindi na nila muling nakita ay abot kamay lang pala nila?

"The cameras will be disabled in five seconds. I'll hold it for fifteen so make sure to enter the premises fast," Freezale informed us.

Blaze and I gave out our own responses. Iginalaw ko ang mga paa ko na para bang hinahanda ang mga iyon at sinunod ko ang mga balikat ko. I can feel the usual rush of adrenaline as I focused my entirety to what is in front of me.

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now