Chapter 34

4.2K 118 3
                                    

Chapter 34


Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa muka ko. Galing iyon sa bintana ng kwarto. Babangon na sana ako ng maramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong sa mga hita ko. Meron din akong nararamdaman na mainit na hininga sa leeg ko.


Bumaling ako sa aking tabi upang magulat sa gwapong muka ng isang lalaki. Agad nag flash back sa utak ko ang lahat. Dito natulog si Yue sa bahay at magkatabi kami.


Nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko at mahigpit ang yakap sa akin. Ang isang paa niya ang nakapatong sa hita ko na para bang ayaw akong pakawalan.

Tinitigan ko ang maamo niyang muka habang natutulog. Totoo nga na kapag tulog lang ang tao mabait. Sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakayakap sa akin para tumayo pero umungol lang siya at mas humigpit ang yakap.

Napabuga ako ng hangin at tinapik siya. "Mr. Dela Fuente let me go"aniko. Hindi siya sumagot sa halip ay mas lalong isiniksik ang muka sa leeg ko dahilan upang makiliti ako.

"Yue ano ba?"hinawakan ko ang braso niya sa may tiyan ko.

"Hmmm"inis na ungol niya. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mommy na gulantang na nakatingin sa amin.

"Shiela! Naku naman! Halika ka muna rito!"rinig kong tawag ni lola at hinila si Mommy palabas ng kwarto.

Nang sumara ang pinto ay malakas kong tinapik ang braso ni Yue. Malamang na kung ano ano na ang iniisip ni Mommy sa nakita niya. Lalo pa at boxer lang ang suot ng gagong katabi ko.

"Ouch baby. You're a savage!"reklamo niya. Inalis niya ang pagkakayakap sa akin kaya bumangon na ako.

"Ayusin mo na ang sarili mo. Pagkatapos ay umuwi ka na"aniko at iniwan na siya. Nadatnan ko sina Mommy at lola na nag uusap. Sabay pa silang tumingin sa akin.


"Hey guys , its not what you think"depensa ko agad. Bumaling ako kay Mommy at umiling.

"Nothing happened Mom"aniko.


"Normal lang sa mag asawa ang ganon anak"inis akong napatapik sa noo sa sinabi niya.

Dumiretso nalang ako sa Cr upang maligo. Nagbihis ako sa kwarto namin ni Ika pagkatapos ay pumunta sa kusina upang mag almusal. Inaasahan ko na makikita ko ron si Yue pero hindi. Umuwi na ba siya?

"Umuwi na ang senior hija. Ang sabi mo daw kasi ay pinaaalis mo na siya"ani lola.

"Wag kang ganon sa asawa mo anak"sabi naman ni Mom. Napaikot nalang ang mata ko sa kawalan.


After two days ay na discharge na si Dad sa ospital. Sobrang saya nga niya lalo na ng malaman na hindi na itinuloy ni Yue ang annulment. Nagpahinga lang siya ng mga ilang araw bago bumyahe sa maynila. Ayaw ko nga siyang payagan dahil kagagaling niya lang sa ospital pero nag pumilit siya.



Kaya naman sinamahan na muna siya ni Mom pansamantala. Ang sabi din ni Dad ay maaring makabalik na kami sa maynila. Tatapusin ko lang ang first semester ko. Natuwa pa nga ako kaso binawi niya ang sinabi niya.

Naalala kasi niyang may asawa na nga pala ako. Sinabi niyang mas mabuti na nandito lang ako at alagaan ang asawa ko 'kuno'.


"Siah , nasa labas ang senior"rinig kong ani lolo sa may garden. Nagbubungkal kasi siya ng lupa upang tamnan ng bulaklak. Tiningnan ko ang tatlong maletang nasa harapan ko.


Ngayong araw kami lilipat sa bahay niya. Ayaw ko man pero kasama iyon sa deal namin. Lalo na at nakagawa na siya ng kasulatan.

"Is that all?"I heard him asked when he entered my room. Hindi na ako nagulat kung paano siya nakapasok. Kinuha niya ang mga maleta ko.


Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon