Chapter 8

4.5K 130 1
                                    


Chapter 8

Umiling ako sa nakalahad niyang kamay. Hindi ako sasakay sa kabayo. Baka mahulog lang ako.

"Come on , I'll teach you"aniya. Gusto ko man ang ideyang iyon ay umiling parin ako. Tila parang napigtas ang pasensya niya at deretsong lumapit sa akin. Napatili nalang ako ng walang pasubali niya akong inaangat at isinakay sa kabayo.

Para akong tinakasan ng kaluluwa sa ginawa niya. Lalo na ng makita ang taas ng kababaksakan ko kung sakali mang mahulog ako.

Sumampa siya sa kabayo at sumakay sa likuran. Hinawakan niya ang tali na nasa pagitan ko. Napasinghap pa ako ng maramdaman ang mainit niyang katawan sa akin.

"Hold on tight"nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok ng bumulong siya sa tenga ko. Nakuyumos ko tuloy ang paldang suot ko ng wala sa oras.

Pinatakbo niya ang kabayo kaya napapikit ako. Sa totoo lang ay ito ang unang beses na nakasakay ng kabayo. Ayaw ko mang sumandal sa kaniya ay wala akong nagawa kong hindi ang gawin yon nang mas lalo niyang bilisan ang pagpapatakbo sa kabayo.

Nakapikit lang ako na parang tanga dahil sa hangin na humahampas sa muka ko.

"Can you slow down?"hiling ko sa kaniya. Ramdam kong bumagal ang takbo ng kabayo kaya iminulat ko ang mga mata ko para lang mamangha sa napakagandang tanawin na ngayon ay ipinagkakaloob sa akin.

Nasa tuktok kami ng isang burol kung saan kita ang napakagandang lugar ng mga palayan. This is amazing.

"Do you like it?"tanong ni Yue. Ni hindi ko na namalayan ang kamay niyang nasa tiyan ko at nakayakap. Napapikit ako sa inis.

Nananantsing ang gago!

"Your hand Mr. Dela Fuente"aniko. Rinig ko siyang bahagyang natawa bago bumaba sa kabayo at naglahad ng kamay sa akin. Ayaw ko mang kunin ang kamay niya ay wala akong choice. Hindi ko naman kasi kayang tumalon nalang bigla sa kabayo. Mabalian palang ako eh.

Nang makababa ako ay muli kong pinagmasdan ang magandang tanawin sa harapan ko.

"Bring us food here"rinig kong ani Yue. May kausap na siya sa telepono ngayon. May balak pa yatang makipag picnic ang lalaking iyon.

Hindi ko nalang siya pinansin at enen-joy ang magandang tanawin. Ilang sandali pa ay narinig ko ang mga yapak niya papalapit.

Tumabi siya sa akin at namulsa. Kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nakatitig siya sa akin. Tumikhim ako. "Huwag mo kong tingnan"sabi ko.

"Why?"

Seryoso bang tinatanong niya sa akin iyon? Hinarap ko siya at pinag cross ang dalawa kong braso sa may dibdib ko.

"Tell me , what do you really want?"tanong ko.

"Good question"aniya. Umupo siya sa damo at tinanaw ang palayan sa ibaba ng burol. Ginaya ko nalang siya at umupo nalang din.

"So ano nga? Ganon ka ba talaga ka bored na pinilit mo pa akong makipag date?"tanong ko. I want to know his reason. Hindi naman pwede na dahil lang interesado siya sa akin ay mamimilit na siya. Hindi naman kasi tama iyon.

He faced me. "Bored? Im afraid not"

I diverted my eyes on him. I don't like his answer. Sobrang determinado kasi ng sagot niya."So what the reason?"I asked again. Mas mabuti ng magkalinawan kami.

"I like you"

Napako ako sa kinauupuan ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala sa walang pag aalinlangan niyang pag amin. Sobrang prangka niya. Hindi man lang nagpaligoy ligoy.

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon