Chapter 3

4.9K 154 5
                                    

Chapter 3

"Okay?"kunot noo kong ani. Napahilamos naman siya sa muka niya.

I let a heavy sighed. "I don't get you Ika"

Lumapit siya sa akin at iginaya na ako paalis sa lugar na iyon. "Care to tell me a story?"kuryuso kong sagot.

"Gusto mo?"

"Yeah. Baliw na ang tingin ko sayo ngayon dahil kung ano-ano ang sinasabi mo. And I'm sure you want to clear your name , right?"

Napahinga siya ng malalim. Patuloy kami sa paglalakad pabalik ng bahay. "Okay if that's what you want"

"Simulan mo na. Anong pangalan ng lalaking yon? Bakit asul ang mata niya? Half american bayon?"sunod sunod kong tanong.

"He's a half american and half australian"aniya. Nanlaki ang mata ko. Grabe naman palang genes ang meron ang lalaking yon. Kaya pala sobrang gwapo.

"Eh bakit nandito? Wala bang dugong Pilipino yon?"

"Meron. Pero 30% lang yata. Ang lolo kasi niya ay pure american. Tapos ang lola niya pure pilipina.  Ang mama niya ay half australian and pilipino. Ang Daddy niya ay half american and pilipino din. In short , lahat ng anak ng gobernador ay puro mga half" paliwanag niya. Napatango ako. Grabe naman yon.

Nakakaingit ang ganong genes. Tapos blue pa yung mata. Buti nakakaintindi ng tagalog ang mga yon. 

"And then?"

"Apat silang magkakapatid. Isang babae at tatlong lalaki. May isang ampon sa kanila"

Hala may adopted?

"Half din ba yung adopted?"tanong ko. Umiling si Ika. "Pure Italiano"natigilan ako. Ano ba namang pamilya yon? Bakit dito pa sila naninirihan sa Pilipinas eh puro naman sila mga kano.

"Ang cool"komento ko.

"Walang cool sa kanila"

"Why?"

"Because they're scary"

"For example?"

"Hindi sila magdadalawang isip na tutukan ka ng baril"aniya na nakapag patigil sa akin. Woah! Hindi yata ako makapaniwala ron.

"Seryoso ba yan?"paninigurado ko. Bakit? Diba gobernador ang tatay ng mga yon? Hindi ko gets.

Tumango si Ika sa akin ng may lungkot sa mga mata. "Sila ang nagmamay ari ng buong probinsya. Hindi man kapani-paniwala pero yun ang totoo"aniya at seryoso akong tiningnan. "Kaya layuan mo sila"

••••••••••••••

Natapos ang araw na iyon na ginugulo ng mga sinabi ni Ika ang utak ko. Hindi ko kasi maintindihan ang mga sinabi niya. Para kasing may malalim pa iyong dahilan. Nahiwagaan tuloy ako sa pamilyang iyon at isa pa. Hindi niya sinabi sa akin kung anong pangalan nung lalaki.

Lumabas ako ng kwarto ko para sa hapunan. Pumunta ako sa kusina para lang maguluhan ng si Ika lang ang madatnan ko roon. Ngumiti siya ng makita ako.

"Upo ka. Kain na tayo" anyaya niya. Kunot ang noo ko ng umupo.

"Where are they?"I asked , confused.

"Nasa hacienda pa sina lolo at Tito. Ang Mommy mo nasa kwarto at natutulog. Pagod daw siya kaya wag ng gisingin. Tapos si lola naman ay pumunta sa kapit bahay natin"

"Anong ginagawa ni lola sa kapit bahay?"taka kong tanong. Nagsandok ang ng kanin sunod ang adobong ulam.

Ngumiti sa akin si Ika. "Nakiki marites"hagikgik niya.

Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now