Chapter 35

4.4K 122 4
                                    

WARNING: SPG

Chapter 35

Yue didn't came back after three days. I don't know where he is. Basta umalis lang siya pagkatapos naming kumain. Ang sabi niya rin ay hintayin ko lang siya rito sa bahay. At ganon nga ang ginawa ko.


Nung una ay wala akong pakialam kung umuwi man siya o hindi. Mas pabor yon sa akin dahil makakaiwas ako sa kaniya. Pero nang lumipas ang limang araw ay hindi parin siya bumabalik. And I'm starting to worry.


Ang sabi niya ay babalik siya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ni anino niya. Masama rin ang kutob ko sa mga nangyayari. Ni hindi man lang siya tumawag o kahit text. Gabi gabi akong natutulog sa may sala at naghihintay sa pag uwi niya.


Pumunta na nga ako sa hacienda para tingnan kung nandon siya pero wala. Hindi na ako mapakali habang tumatakbo ang oras. Ang sabi sa akin ni Denrel ay wag akong mag alala. Normal lang daw na hindi makauwi si Yue tuwing may mahalaga itong ginagawa.


Gusto ko mang mapanatag pero hindi ko kaya.

Tumingin ako sa orasan. This is the fifth day. Halos sa sala na ako tumira gabi gabi. Panay rin ang tingin ko sa may pintuan. Nasan naba siya?

Itinuon ko muna ang atensiyon ko sa loptop. Gumagawa kasi ako ng presentation para bukas. Suot ko ang bathrobe ng night gown ko at nakaupo sa sofa. Ako lang mag isa rito sa malaking bahay. Bukas ang lahat ng ilaw dahil takot ako sa dilim. Baka kasi mamaya ay may lumitaw na multo.

Natapos nalang ako sa ginagawa ay walang Yue na dumating. Malapit ng mag ala una ng umaga. Bagsak ang mga balikat na inayos ko ang mga gamit. Hindi na naman siya darating. Praning na praning na ako sa pag aalala sa kaniya. Pero ang pamilya niya ay hindi man lang iniintindi ang pagkawala niya.

Tumayo na ako sa sofa. Inayos ko ang bathrobe ko. Nakatalikod ako sa may pintuan habang isinisilid ang mga gamit ko sa bag. Hindi ko maiwasan na mag isip ng malalim. Sa inaasta ng mga magulang niya at kapatid ay parang hindi man lang sila nababahala. Bumabalik tuloy ang curiosity ko sa tunay na identity ng mga Dela Fuente.


Ano nga bang klase ng tao sila? Bakit kung humawak sila ng baril ay ganon nalang? Naputol ang pag iisip ko ng bumukas ang pintuan. Dagli akong napalingon at bumungad sa akin ang mga asul na mata na kay tagal ko ng hinihintay.

"Y-Yue"pakiramdam ko ay nanlabo ang mga mata ko ng masilayan siya. Nakasuot siya ng purong itim. May dalang malaking bag na itim din ang kulay.

"Baby"hindi ko na naiwasan ang mapatakbo palapit sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit. Hindi niya alam kung gaano ako nag alala.


"I hate you! I hate you!"pinag hahampas ko ang dibdib niya. Anong karapatan niyang gawin sa akin yon? Sobra akong nag alala.


Hindi siya sumagot sa halip ay hinayaan niya lang akong paghahampasin siya. "Paano mo nagawa yon?! Ganon mo ba talaga ka gustong makuha ang atensiyon ko kaya nag pa missing in action ka?!"umiiyak na sabi ko. Niyakap niya lang ako.

"Hush baby"

"I hate you! Ang sabi mo ay tatlong araw ka lang mawawala! Sana sinabi mong hindi kana babalik kahit kelan para nag pa party ako sa saya!"aniko. Patuloy ko siyang hinampas. Inis na inis ako sa kaniya.


"I'm sorry"

"You're a jerk! Pinag alala mo ako ng sobra! Hayup ka! Mamatay na ako sa pag aalala sayo! Talagang hindi na kita mamahalin dahil puro kunsumisyon lang ang mararanasan ko!"patuloy ang pag aalboroto ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at iniharap sa kaniya. Punong puno na ng luha ang mga mata ko.


Obsession of Dela Fuente Donde viven las historias. Descúbrelo ahora