Chapter 33

4.1K 114 3
                                    

Chapter 33

Our dinner went smoothly. Kahit na gulat parin ako na pag mamay ari ni Yue ang restaurant na ito.  Pero sa bagay , hindi na nakakapagtaka iyon. Nawala narin ang inis na naramdaman ko sa sobrang romantic ng set up. Mukang pinag isipan niya ng mabuti.

Inihatid niya ako sa bahay pagkatapos ng dinner. Naroon na sina Ika  , Lolo at lola. Si Mommy naman ay nasa ospital pa dahil binabantayan si Dad. Gusto ko nga sanang dumaan sa ospital para dalawin si Dad pero masyado na akong pagod.

Lumabas ako ng kotse ni Yue at ganon din siya. Nagtaka pa nga ako ng sumunod siya sa akin papasok ng bahay.

"Hindi ka pa uuwi?"tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay. "Pinapauwi mo na ako?"

Hindi naman sa ganon pero kasi gabi na. Dapat ay nasa mansion na siya ngayon. "It's already late"I said.

"And so?"

"Anong and so? Dapat nakauwi ka na. Hindi ka pa ba pagod?"

"Pagod na. Kaya nga nandito ako eh."

"Huh?"

"I'll sleep here—"

"What?!"gulat kong bulalas. Anong matutulog siya rito?! Lumabas ng kwarto sina Lola at Ika. Nanlaki pa nga ang mata nila ng makita si Yue sa sala.

"Good evening po senior"ani Ika.

"Magandang gabi senior"bati naman ni lola. Napairap ako. Umupo sa kawayang silya si Yue.

"Maaari ho bang dito ako matulog?"aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong dito matulog?! Umuwi kana sa inyo!"

Hindi niya ako pinansin. "Bakit ako uuwi? Nandito ang asawa ko"ngisi niya.

"Oo naman po senior. Pwede kang matulog dito"ani lola. Busangot ang muka kong tumingin sa kaniya. Seriously?

"Lola"

"Magtimo ka Siana. Normal lang na makitulog dito ang senior gayong hindi ka pa naman umuuwi sa mansion"paliwanag niya. Inis kong binalingan ang lalaking sobrang lawak ng ngiti.

"San po ang kwarto ni Siah?"tanong niya. At talagang may balak pa siyang tumabi sa akin?! Huh! Kapal ng muka!

"Double deck po ang kwarto namin ni Siah senior"anang pinsan ko. Tumango naman si Yue.

"Kung ganon ay sa sahig pala ako matutulog?"agad umiling si lola.

"Naku hindi! Wag kang mag aalala senior. Hindi pa naman umuuwi ang Mommy ni Siah kaya bakante ang isang silid. Pwede ho kayong dalawa ron"salubong na salubong na ang kilay ko. At anong ibig sabihin ni lolang pwede kaming dalawa sa kwarto nina Mommy!?

Wag niyang sabihin na patatabihin niya ako sa gagong to?!

"Lola , hindi po ako tatabi sa kaniya"angal ko. Tiningnan ako ni lola.

"Anong hindi? Mag asawa kayo ng senior. Dapat ay nasa iisa kayong kwarto"aniya.

"Lola!"

"Sige na sige na , minsan lang matulog dito ang senior"tinulak ako ni lola sa kwarto nina Mommy. Inis na inis ako ng sumarado ang pintuan at naiwan kami sa loob ng magaling na lalaki.

Agad ko siyang dinuro. "You planned this!"akusa ko. Nag kibit balikat lang siya at nagsimulang maghubad ng damit. Agad akong kinabahan.

"What are you doing?"tanong ko. Tumingin siya sa akin.

"Matutulog na"

"Matutulog? Eh bakit ka naghuhubad?!"

"Dahil nakahubad akong matulog"simpleng aniya at humiga na. Naalala ko na tanging boxer lang nga pala ang suot niya kapag natutulog. Buti nalang at nagkumot siya hanggang bewang niya kaya ang upper body niya lang ang nakikita ko.

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon