Chapter 10

4.5K 133 1
                                    


Chapter 10

Tahimik ako habang umaandar ang sasakyan ni Yue. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at iniisip kung paano humantong sa ganito. I mean , he is like a deaf or something. Kanina ko pa sinasabi sa kaniya na dapat layuan niya ako kasi hindi tama ang ginagawa niya.


I feel like I'm a bad person. I'm guilty especially when I'm thinking of Kiro. Wala siyang kaalam alam na tinuklaw na ako ng ahas. Hindi ko naman kasi to ginusto. Talagang wala lang pakialam ang pesteng lahi ni Jack na katabi ko kung tama pa ba ang ginagawa niya o hindi.

Tapos ang lakas pa ng topak niya na sabihin na sa kaniya lang daw ako at hiwalayan ko na ang boyfriend ko. May sayad yata siya sa ulo.



Napabuntong hininga ako , ano bang dapat kong sabihin para matauhan siya? Should I punch him hard while saying that I don't like him? This is so depressing. I know I was wrong when I let him kiss me. And that single mistake made him think that I like him too.

What should I do now?



Huminto ang kotse niya sa tapat ng isang napakataas na gate. Puti iyon at sobrang tayog ng mga pader. May guard house sa gilid na bumati kay Yue ng makita siya.


Sunod niyon ay ang pagbukas ng malapalasyong gate. Napamangha ako. Wow , this is cool.



Pumasok ang kotse ni Yue sa loob. May isang malaking daanan ng sasakyan don na paikot. Sa gitna ay isang fountain at sa gilid ay mga green na bulaklak. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkamangha ng tumigil ang sasakyan ni Yue sa isang napakalaking mansion.



Spanish style ito. May tatlong hagdan sa may pintuan na parang terrace kasi may mga bangko at lamesa sa gilid. Sa gitna naman niyon ay ang dalawang pintuan na sobrang laki at taas.


Seriously? Nasan ba kami? Nasa mansion o nasa palasyo de Espanya?


Bumaba ng sasakyan si Yue at umikot upang pagbuksan ako ng pinto.

Napalunok ako. "Nasan tayo?"I asked the obvious. Kasi talagang hindi ako makapaniwala.



"Our house"maikling aniya. So talagang ito nga ang mansion nila? Sobrang laki naman nito , kulang nalang ay hari at reyna para matawag na palasyo.

Pero teka? Ano namang ginagawa namin dito?


"Why are we here?"I asked him, confused. Lumabas ako ng kotse ng hindi inaalis ang tingin sa napakagandang mansion.

Akala ko ba humihingi ulit siya ng date? Eh bakit sa bahay nila ako dinala? Seriously? Kakaiba naman ang meaning ng date sa kaniya. Nung una sa kwadra ako ng mga kabayo dinala , ngayon naman sa palasyo-este-mansion nila.



Hindi niya ako sinagot bagkus ay hinila ako papasok. Sinalubong kami ng isang matandang katulong ng nakangiti. Lalo na ng masulyap ito sa akin.

Pumasok kami sa loob at halos malaglag na ang panga ko sa sobrang mangha. May malaking chandelier sa sa gitna ng kisame. Malawak ang sala , tapos may dalawang hagdan na naguugnay sa ikalawa at ikatlong palapag.


"Handa na po ang mga pagkain senior"anang matanda sa amin bago kami iginaya sa labas ng mansion. Lumingon ako sa pinanggalingan namin. Ang galing naman , sobrang daming pinto at pasilyo. Tapos mukang ang dami pang lagusan , siguradong maliligaw ako rito kapag ako lang mag isa.


Nakarating kami sa isang garden , sa gilid nito ay isang napakalaking swimming pool. Dalawa iyon , may lounge sa gilid at maliit na lamesa. Napakayaman naman pala ng pamilya na ito.



Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now