Chapter 5

4.8K 162 6
                                    


Chapter 5

Wala akong naintindihan sa sinabi nina Ika at Tina. Pakiramdam ko ay gumulo lang ang utak ko. Gusto ko pa nga sanang magtanong ulit pero hindi ko na nagawa kasi nagsimula na yung laro.

Hindi ako fan ng basketball kaya parang wala lang sakin habang nanonood. Samantalang ang dalawang babae na katabi ko ay halos mawalan na ng boses sa kakasigaw ng pangalan nina Obet at Miko.

Bored lang akong nanonood hanggang sa makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Kinalabit ko si Ika para magtanong kung saan ang cr.

"Sa likod ng stage may palikuran don"aniya. Tumango naman ako. Umalis ako sa upuan namin at dumaan sa mga nagwawalang tao. Matapos ang ilang minuto ay narating ko na rin ang likod ng stage.

May dalawang cr don para sa babae at lalaki. Hindi naman iyon mabaho gaya ng inaasahan ko. Kasi diba? Basta public confort room mabaho?

Call me a judgemental but that's the truths. Ganon ang nakikita ko kadalasan pero ang confort room na nasa harapan ko ay makikitang well maintain.

Maglalakad na sana ako papasok ng matigilan dahil sa likod ng isang lalaki na nakapamewang at may hawak na telepono.

"Just do what I say"aniya bago binaba at tawag. Nang humarap ito sa akin ay nakita ko ang nakakahilong asul niyang mga mata.

Ilang minuto pa akong napatitig sa kaniya bago ako natauhan. "Hi" bati ko.

Ewan ko kung para saan iyon. Pero diba anak siya ng gobernador? Dapat galangin.

Nakatingin lang siya sa akin na para bang sinusuri ako.

"Did you receive the mangoes?"biglang tanong niya. Saglit akong natigilan bago dahan dahang tumango.

"Ah oo , salamat nga pala don"sabi ko. Ngayon ko lang naisip kung paano niya nalaman na apo ako ni lolo na trabahador ng hacienda?

He smirked at me. "It's not free"simpleng aniya. Kumunot ang noo ko at inismiran siya. Sinasabi na nga ba , may kapalit iyon.

"Magkano ba ang kilo non? At isa pa , bakit ka ba nagpadala?"tanong ko. Naiinis ako sa kaniya. Hindi na nga ako kumuha ng mangga kahapon dahil hindi daw libre at gusto niya ng halik bilang kapalit. Tapos pinadalhan niya pa ako kagabi at ngayon ay sinasabi niyang muli na hindi iyon libre.

Naglakad siya papalapit sa akin dahilan upang magkaroon ng sariling isip ang mga paa ko at umatras palayo sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit , para kasing hindi tama.

Tumaas ang kilay niya sa ginawa ko. Ang bughaw niyang mata ay parang may kung anong hinuhukay sa kaloob looban ko.

"Scared?"puna niya. Kumunot ang noo ko at umiling. "Why would I?"

He just shrugged and place his hand on his pocket. Tumagilid ang ulo niya at muli akong pinagmasdan. Nailang ako sa ginawa niya kaya tumikhim ako.

"Mag ccr ako"sabi ko. Nakaharang  kasi siya sa dadaanan ko.

Ngumisi siya na para bang na aamuse sakin. Anong nakaka amuse sa sinabi ko?

"One basket of mangoes , one date"aniya. Pakiramdam ko ay nagpantig ang tenga ko dahil don. Hindi mag sink in sakin ang kung anong kalokohan na sinasabi niya.

"Are you hitting on me?"mapang akusa kong tanong. Tumaas ang kilay niya sa akin.

"Do you think?"

I rolled my eyes at him. Nag cross arms ako sa harapan niya. "Well Mr. Dela Fuente for your information. I have a boyfriend"may diin kong saad. Hindi naman nagbago ang itsura niya at taimtim parin akong tiningnan.

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon