Chapter 37

4.2K 104 2
                                    

Chapter 37

After what happened that night I distant my self to him. Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya sa mga tanong ko. Alam kong nararamdaman niya ang panlalamig ko pero hindi naman siya nag kokomento. Infact , hinahayaan niya lang akong ignorahin siya.


Nakakaramdam ako ng inis tuwing ginagawa niya iyon. Para bang wala na siyang pakialam kung hindi ko na siya pansinin.

"Hindi ako makakauwi mamaya"aniya habang inaayos ang kurbata niya. Hindi ko siya sinagot kahit pa gustong gusto ko nang tanungin kung bakit hindi siya makakauwi. Pero mas nangibabaw ang pride ko na ignorahin siya. Kakausapin ko lang siya kapag hinayaan niyang sabihin sa akin ang lahat ng tungkol sa kaniya.


Lumabas siya ng kwarto ng hindi man lang ako nililingon. Napahawak ako sa may puso ko ng makaramdam ng kirot. Bakit hindi niya ako sinusuyo? Bakit niya sinasabayan ang hindi ko pagkibo sa kaniya?

Napahinga nalang ako ng malalim. Nag ayos na ako ng sarili upang makapasok na sa school. Gaya ng palaging routine ay maraming gawain. Pabor yon sa akin para pansamantala kong makalimutan ang lahat ng bumabagabag sa akin.

After school ay nagyaya sina Rayven na kumain kami sa KFC. Sumama ako sa kanila kasi ayaw ko pang umuwi ng bahay. Nag order kami habang pinag uusapan ang nalalapit na final  exam.

"Kinakabahan ako"ani Tony. Kahit ako naman ay kinakabahan. Dumating ang order namin matapos ang ilang minutong paghihintay.

"Ako nga rin eh. Pakiramdam ko wala akong isasagot"wika naman ni Jessica na kinakain ang fried chicken niya.

"Wala kang isasagot kung di ka mag aaral"banat naman ni Rayven. We stayed there for a couples of minutes before they decided to go home.  Nagpaalam kami sa isat isa habang tinext ko naman ang driver na kinuha ni Yue upang ihatid at sundo ako kapag hindi siya available.

Naglalakad ako papunta sa waiting area ng may tumakip sa bibig ko. Nilukuban ng takot ang buo kong katawan at nag pumiglas.

"Hey easy , it's me"natigil lang ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hinila niya ako sa isang liblib na eskinita. Tinanggal niya ang itim niyang cap dahilan upang masilayan ko ang gwapo niyang muka na ilang buwan ko ding hindi nakita.

Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya. "K-Kiro"

"Yes love it's me"aniya at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naghalo halo ang lahat ng emosyon ko sa katawan. Humiwalay siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

"I'm sorry kung ngayon ko lang nagawang magpakita sayo. Pinababantayan kasi ako ng gagong Dela Fuente na iyon para hindi ako makalapit. But don't worry love , gumagawa ako ng paraan para maitakas kita"aniya. Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinalikan ang likod non.


"I miss you"bulong niya. Napangiti ako. Na miss ko rin siya. Ang tagal narin nung huli ko siyang nakita. At nagpapasalamat ako kasi ayos lang siya.


"I miss you too"aniko. Ngumiti siya sa akin. "San ka galing?"dugtong ko. Ngayon ko lang napansin ang mga itim na bilog sa ilalim ng kaniyang mga mata. Meron narin siyang mga bigote at magulo ang buhok. What happened to him? Bakit sa hitsura niya ngayon ay parang pinapabayaan niya ang sarili niya?



"What happened to you?"tanong ko. Umiwas siya ng tingin sa akin. Bahagya siyang lumayo at inihilamos ang mga kamay sa muka.


"Na awol ako sa trabaho"aniya. Nanlaki ang mga mata ko. "What?"


"Nung araw na ikinasal ka sa kaniya ay nawalan ng kulay ang buhay ko. Ilang araw akong hindi nag trabaho hanggang sa maging awol ako"muli siyang humarap sa akin pero wala ng emosyon ang mga mata niya.


Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now