Chapter 30

4K 103 2
                                    

Chapter 30

Process our annulment papers.

Process our annulment papers.

Process our annulment papers.

Parang sirang plaka na nagpaulit ulit sa tenga ko ang mga huling sinabi ni Yue. Dalawang araw na ang nakalipas pero sariwang sariwa parin ang mga sinabi niya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Diba dapat ay matuwa at magdiwang ako kasi titigilan na niya ako? Pero bakit ang bigat bigat ng dibdib ko? Bakit ako nasasaktan sa ideyang pinapalaya na niya ako gaya ng gusto ko?

Why I have this feeling?

"Siah"rinig kong tawag sa akin ni Ika sa baba. Nakahiga na kami ngayon sa double deck. Nasa taas ako at walang emosyon na nakatitig sa kisame.

Wala si Dad sa bahay dahil bumalik na siya ng maynila para asikasuhin ang kompanya namin. Hanggang ngayon ay masama parin ang loob ko sa kaniya.

"Hmmm?"

"Hindi ka pa inaantok?"tanong niya.

"Hindi pa , bakit?"

"Wala lang , inaantok na kase ako eh"

"Eh di matulog ka"

"Paano ako makakatulog eh ang likot likot mo diyan sa taas"reklamo niya. Napangiwi naman ako. Kanina pa kasi ako pabaling baling ng pwesto.

"Okay , sorry"hingi ko ng paumanhin. Humarap nalang ako sa gilid ko. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon.

Nang magising ako ay nakaalis na si Ika. Malamang na nasa school na yon ngayon.  Bumangon ako sa kama at naligo. Pagkatapos ay hinanap sina Mommy at lola. Nakita ko naman sila sa may garden malapit sa tindahan ni Mom kaya lumapit na ako.

Mukang seryoso ang pinag uusapan nila. Nang makita nila ako ay tumigil sila. Ngumiti ako. "Ano pong pinag uusapan niyo?"kuryuso kong tanong.

Nagtinginan muna silang dalawa bago bumuntong hininga. "Tumawag kasi ang Dad mo. Nalaman na niya ang nangyari sa inyo ng senior"ani lola.

"Ano pong sabi niya?"

"Gusto niyang makipag ayos ka sa lalaking yon"

"What? Nababaliw na ba siya?"hindi ko maiwasan ang hindi mainis. Bakit ba ganon si Daddy? Ano bang pinakain ng mga Dela Fuente sa kaniya? Umiling ako.

"Mom—"

"I know Siah. Pero yon ang gusto ng Dad mo. Ang sabi niya ay dapat makipag ayos ka sa senior. Kung hindi ay siya mismo ang magkakaladkad sayo upang bumalik sa mansion"ani Mom.

I can't understand it. "Hindi ko kakausapin ang lalaking yon"aniko at iniwan na silang dalawa. Bakit ako makikipag ayos sa halimaw na yon?

No freaking way!

Pumasok ako ng school pagdating ng nine am. Hindi ko na lang inisip ang gustong mangyari ni Dad.

My day went smoothly. Walang Dela Fuente ang nanggugulo sa akin. Talagang tinotoo nga ni Yue ang sinabi niyang lulubayan na niya ako. Ang hindi ko lang gets ay kung bakit ako nalulungkot na hindi na siya nagpapakita sa akin.

Napabuga ako ng hangin. Come on Siana! Wag mo na ngang isipin yon. Dapat nga matuwa ka pa dahil hindi ka na niya penepeste eh. Lumabas ako ng building namin pagkatapos ng huling klase ko. Madilim na sa labas kaya hindi ko maiwasang kabahan. Lalo na ngayon dahil wala ng sumusundo at naghahatid sa akin.

Pumara ako ng taxi upang magpahatid. Kinakabahan man ay pikit mata nalang akong pumasok. Tutal naman ay nagawa ko na ito kahapon at nung isang araw. Masasanay rin siguro ako.

Obsession of Dela Fuente Where stories live. Discover now