Chapter 19

3.5K 54 2
                                    

Chapter 19

“Ayos Alex ang live show sa corridor ha.” salubong sa akin ni Che nung labasan.

“E walanjo naman kasi ung babaeng iyon. Bubulong bulong na nga lang, MALAKAS PA. Parang tanga lang. Kaya nga bulong diba. Tsk.”

“Hayy. It’s been a decade nung huli kang nagshow ng ganyan. Nakakamiss!”

“Wala eh. Bagong buhay. Pero, nakakamiss. Sarap ng feeling. Parang nanalo sa loto. Parang nasa cloud 9. Parang inlove. Haha!”

“Weird mo. :D Pero don’t you think na hindi ka dapat magchange for Drew? Make him love you for who you are.”

“Tama ka jan. Pero hindi lang ‘to para kay Drew eh. Binantaan na ako ni daddy na magkaron pa daw ako ng isang MAJOR CASE, dadalhin na niya kami ni Mommy dun. Pero major case na ako naman ang may kasalanan. Ganun.”

“Naku. Mag-ingat ka na sa mga kilos mo!”

Kumain na muna kami saka nagproceed sa pagtitingin ng pwedeng gifts. 


“Hmm. Ano sa tingin mo kung singsing?” tanong ni Che. 

“Parang maganda iyan kung unang pagtatapat o anniversary. Ganun.”

Nakadaan na kami sa sapatos, pero ayaw pa rin ni Che kasi baka daw matulad sa pamahiin sa mga kasamabahay na pag binigyan ng footwear, maglalayas. Baka daw ganun din sa love. Imba lang.


“Hmm. Dog tag?” tanong sakin ni Che.
“Para namang lahat na lang ng couples meron na nun.”
"Ayy, alam ko na bespren! Igagawa ko na lang kayo ng couple shirt!”
“Ahhhhhhhhhhh. Pag dog tag, laos na at madami ng meron. JUSME HA. Bago nga ang couple shirt! Ikaw ba umimbento nun?”
“Bakit, may kakilala ka bang may couple shirt na gawa personally ng bespren?”
“Sabagaaaay.”
“Pero isip pa tayo ng pandagdag na regalo. Simple lang.”

“Regalo? Anong regalo iyan?” tanong ng biglang sulpot na animo'y kabute sa pagitan namin.
“Tita Shaaaaane!”
 Nagapir kaming tatlo. 
“Sino kasama mo?” tanong ko.
“Ahh. Boyfriend ko. Joke! Landeh. Manliligaw ko.”
“Wow! May manliligaw ka pala.”
 Tanong ni Che na parang seryoso. Tapos narealize niya na ang sama ng pagkakatanong niya, “Ahh. Este joke lang un. Ahehehhe.”

"Iniinsulto mo ba ako?!" Kinabahan ako kasi yung mukha niya mukhang galit talaga. Pero after 3 seconds, ngumiti ulit siya, "Joke lang. :D NagCR eh. O, e anong regalo ba pinaguusapan niyo?”

“Naghahanap kasi si Che ng maiiregalo kay JB, ung kasama niya nung birthday ko, para sa Chrismtas. Igagawa ko na sila ng couple shirt at nagiisip pa kami ng pwedeng idagdag dun. Kahit simple lang.”
“Hmm. Bakit di mo siya ipagbake ng cookies? Or kung gusto mo cake? Turuan kita.”
“Wow, oo nga no! Sige. Kailan?”
“Hmm. Sa’min na lang kayong dalawa matulog. Sabado naman bukas.” anyaya ko sa kanila. 


“Sige, sabihin ko lang sa mom ko." -Che
“Ako.. Hm. Samahan niyo muna ako sa bahay para makakuha ng damit,” 
sabi ni Tita Shane. "Pahatid na lang tayo kay Arjay,” which I assume ay pangalan ng manliligaw niya.

"Sige, tita. Text mo na lang kami paguuwi na kayo. Nakakahiya naman at makakaistorbo pa kami sa inyo. :P”

“Hindi no. Sumama na kayo sa’min. O, ayan na si Arjay,”

I Courted HimWhere stories live. Discover now