Chapter 30

4.1K 63 15
                                    

please like the page and add the characters. :)

Chapter 30

Natapos na din kami sa panonood ng sine. At pakiramdam ko may mangulbit o manggitla lang sa'kin, mamatay na ako sa atake sa puso. haha. Maganda lang ako pero di naman ako matapang sa mumu. Madami pa akong pangarap para sa amin ni Drew. haha!

Grabe! Kahit kumain kami ng pop corn na sobrang laki, gutom na agad ako. hahah. sino bang hindi magugutom kung isang oras lampas kang natatakot? =)) Hindi naman ako umiirit habang nanunuod. At 'yun ang problema. Kinikimkim ko 'yung takot. kaya mas naubos ang energy ko.

Parang natapon lang pawala ung cake, frappe, popcorn, at iced tea na kinain at ininom ko. >_<

"Donut, san mo gustong kumain? Nagugutom na ako."
"Yan din sana itatanong ko sa'yo. Kaso naisip ko baka busog ka pa. Guess I was wrong.  "
"Mali talaga! Tss. O, ano na? San na tayo? Gutom na ako, donuuuut."
 triny kong tanggalin ang inis sa boses ko at maglambing kunwari. )

"Hmmmmm. Magi-isip muna ako." tapos nagpose siya na parang ganito. click 
Nag-intay ako. Mga 20 seconds na siyang ganyan nung binatukan ko na siya. bwiset eh.


"Aray naman!"
"Tagal tagal mo mag-isip, baldahin kita jan!"
"O, nasan na yung malambing kong donut?"
"Nakain na! Tara na nga. Sa 'The Restaurant' tayo para naman masarap sarap."
"Oo na.. Parang papatay ka na sa gutom." 
Tapos inakbayan niya ako. Err. 


Nakarating na din kami sa "The Restaurant" at dun umupo sa may dulo.


"YES. I'M SO HUNGRY." May dumating ng waiter at iniabot sa'min 'yung menu.
"Hyper Food. Bago 'to ah. Ngayon ko lang 'to nakita."
"Opo, ma'am. Kakatest lang nung chef kanina. Nakakahyper siya."
"Talagang inadvertise.   osige nga. dalawa po niyan. may gusto ka pa ipadagdag pachu?"
"Hmm. Wala na. Yung drinks na lang po. Root beer sa'kin. Ikaw donut?"
"Ok. Ako may dagdag pa e. haha! Gusto ko po yung pinakamabenta niyong dessert. haha! Root beer din po ang akin. "
"Naks. Pareho ta'yo. ang meant-to-be talaga natin."
"I know right, donut."
 Inulit ulit nung waiter 'yung order namin. Tama naman.


"Sus. Kung gumana man 'yong pagkain, psychological effect lang 'yun. "
“Tama ka kan. Pero magandang itry na din natin. Haha.”
“Sus! Naniniwala ka dun! Parang naniwala ka din sa fortune cookies! Hahaha.”
“Anong masama sa fortune cookies?”
“Kasinungalingan. Haha!”
“Kulang ka sa paniniwala.”
“Isa lang pinaniniwalaan ko..”
“Ano naman ‘yun?”
“Na gusto kita. At Girlfriend kita ngayon.”


"Tigilan na nga natin yang kakornihan na yan.. Allergic ako e."
"Sus. Pag si Drew nga ang corny mo din."
"Huh? Sinong Drew? Ikaw ang boyfriend ko dba?"
 Siguro, may benefit din akong makukuha sa pakana na ito. Kung panandalian ko nga munang kakalimutan si Drew, hindi ko lang malalaman kung may feelings ako kay Pachu or totoo talaga ang nararamdaman ko kay Drew. Naiinis na kasi ako sa kanya ng sobra. Ang walangya e. Lahat na lang nasa kanya! Lahat na din ng WALA asa kanya na. 


Walangya.
Walang puso.
Walang utak.
Walangya. 
Walang pakiramdam.
Walang reaksyon.
Walangya.
Walang pakielam.
Teka, nasabi ko na ba ang walangya?  


“ALEX!”
“ha? Ano? Sigaw ka ng sigaw diyan.”
“Tingnan mo ‘to! Mga wala daw kilalang Drew, pero hindi naman nakausap na pagkatapos.”
“Wag ka ngang panira ng moment. Ikaw ang boyfriend ko ngayon. Wag ka nang madrama.” 
Sakto ko namang nakita ‘yung waiter na dala ‘yung mga inorder namin. “O ayan na. Dumating na ‘yung hypie.”

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon