Chapter 38 (Public)

1.4K 31 11
                                    


For some reason, hindi lumalabas yung Chapter 38 through the link. I know it's been a few years now of posting nothing. And sorry this is not a new chapter. May mga nagmemessage lang saying na hindi lumalabas so I'm posting this in public for everyone to easily access. Isang post na lang din yung A and B compared to the original na separate. Copy paste lang 'to. So anything about writing the Book 2 has been held off. Huhu. Sorry, college happened.


Chapter 38 A

Drew's POV

Nagising ako ng alas dyes. 11 'yung party. Nakakainis naman o! Tumayo ako at pinakiramdaman ang sarili ko; nahihilo pa ako pero yes wala na akong sakit! Okay na'to. Buti naman gumaling agad ako. Teka, pumunta ba dito si Alex? O nanaginip lang ako? Imposible namang pumunta siya dito. Ang weird talaga ng mga panaginip ko kapag nagkakasakit ako.

Naligo na ako kaagad at nagbihis. Aw, di ako nakabili ng ibang regalo. Plano ko dapat 'yun kaso nga nagkasakit ako. Nakakainis. Di ko naman nagawa kasi biglang nagyaya si Ly ng lakad.

Si Ly nga pala, best friend ko. Kababata ko. Pero baka naman kilala niyo na siya. Kelly ang buong pangalan niya. Pero Ly(Lie) na lang.

[author: Tanda niyo pa ba? Noong tinawagan ni Alex si Kyle Araneta dati? May Kelly Best friend sa contacts ni Drew. ]

Walang namamagitan sa'min. At never nagkaron. Tulad nga ng sabi ko, may mahal siya. Base sa mga kinekwento niya, mukhang bagay naman sila. Pero hindi daw pwede. Di pa rin niya sinasabi sa'kin kung sino e. Ewan ko ba sa kanya. Pero nilinaw naman niyang hindi ako 'yun.

Nagulat si Mommy pagbaba ko. Wag na daw ako pumasok, kakagaling ko lang. Baka mabinat ako o makapanghawa pa.

"Ma, magaling na ako. Promise. Ang dami ko pa dapat gawin e. May Christmas Party tapos.. Hay. Bakit kasi nagkasakit pa ako?"

"Don't pressure yourself, Drew. It's just a party."

"You don't understand. Basta papasok po ako. I'll take care. Sige, alis na ako ma." at umalis na ako.

Alex's POV

Before the start of Christmas Party..

Kinakabahan ako. Kamusta na kaya si Drew? Ano ba, tuloy ba ang plano ko? Nakakainis naman. Di ko naman siya matawagan kasi mabubuking nga niya na pinaltan ko ang pangalan ko dun. Kung bakit, secret. Ayoko naman tawagan si Mommy. Wala na kaya akong mukhang ihaharap sa kanya! Biruin mong alam niyang nanliligaw ko sa anak niya.

Ah, si Jed! Tinawagan ko kaagad siya.

Hello?

Jed! Ano na ang balita?

Wala akong alam e. Wala pa siya dito. Magstastart na kami in 2 minutes. Sorry, Alex. Super busy e. Baka di na rin kita macontact mamaya. May ipapasabi ka ba? O ipapabigay?

Ganun? :\ Wala naman. Wag mo na lang sinabing hinahanap ko siya. Salamat, Jed.

Ano ba yan. Ano na? Anong gagawin ko? Tinawagan ko kanina 'yung katulong ko sa pagbibigay ko ng regalo. Sabi ko, ituloy na nila. Kung hindi dumating. Edi.. Okay. Kesa naman dumating tapos di ready. Diba? Tangina, ang laki nitong niririsk ko. Hindi basta-basta 'yung regalo ko.

Regalo itself nga di ko alam kung magugustuhan ba ni Drew. At kung hindi, susundin ko si mother at titigilan na siya. Tapos 'yung pagdating pa ni Drew, di rin sigurado. Hala. Please, Drew. Darating ka ha.

And so, nagstart na ang Christmas party. Masaya siya, actually. Hindi man nabura completely 'yung pangamba ko, nagenjoy pa rin naman ako. Natapos na, pero naunang matapos 'yung ibang sections. Nagala-ninja akong lumabas at tumakbo papunta sa room nina Drew. May iba pa siyang kaklase dito, pero wala siya. Wala si Drew.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon