Chapter 11

4K 62 7
                                    

Drew's POV

Nagsimula na ang party.. Nagsalita na ang principal. Sinabi lang niya ang mga ayaw niyang mangyari. Ayaw niya ng gulo, magkakasakitan, at lalo na ang magka-“ano”-han dito.  Hanggang before midnight pa kasi ‘to or as long as madami pang gustong tumigil dito. May program then after, ikaw na bahala kung ano ang gusto mong gawin.  E alam mo na. Highschool. Di imposibbleng magka-ano-han at ganun-an dito. 

Ayun, maikli lang yung sinabi ni Ma'am. Paano ba naman itong si Alexandra, lumapit kay Ma’am beforehand.. Ito ang sinabi niya..

“Ma’am, mawalang galang na ‘po. Dahil ako po ay estudyante, alam ko po ang iniisip at nararamdaman nila lalo na kapag may ganitong activities. Mas ikakatuwa po sana nila na maikli lang ang opening remarks. In that way po, mas maaalala nila ang sinabi niyo kasi short lang po ang attention span nila pagdating sa mga ganyang bagay..”

Syempre nagulat ako kasi kahit sa principal ang lakas ng loob niya. Lalo pa sa'king ordinaryong estudyante, syempre madali lang sa kanyang kaya-kayanin ako. 

Pagkatapos magsalita ni Ma’am ay si Miah naman ang pumunta sa unahan.

“Students.. Open na po ang iba’t ibang booths. The Photobooth, and alam niyo na yung about sa contest -- you can come to the photographers to have your picture taken for a minute or two only, and there will be some na magtetake ng stolen photos. Then we have the food booth, the drink who’s blood booth, na may certain flavours ng drink..ipapatikim sa’yo then huhulaan mo kung sino ang me hawak ng ganun, the coffin booth, scary movie booth, and last but not the least, the horror house, which is a bonus given by our designers.”

Pumalakpak ang mga estudyante at maririnig mo ang excitement na umugong sa kwartong iyon.  Sana mag-enjoy sila. Nang mag-scatter na ang mga tao.. lumapit sa’kin si Alexandra..

“Drew! Anong masasabi mo?”

“This is brilliant. Ito ba ang mga pinatawagan sa’yo nina Miah?”

“Uhh no. Iyong mga pinatawagan niyo sa’kin SUCKS. No offense.  ”

“It doesn’t matter. Sa dami ng mga umattend, we could pay you back for your extra expenses.”

“Di. It’s really ok. Ang totoo niyan, sa’yo dapat mapapunta iyon kasi you were a really responsible president. Thumbs up, Drew.” 

Teka, himala ata.. Bakit ambait niya ngayon? Pero ang mas himala.. bakit ambait ko din? May masama ata ‘tong planong naghihintay eh.  Oo ng pala! Sa sobrang pagkamangha ko sa lahat ng ito, nakalimutan kong magtanong.

“Bakit ka nga pala nakapang-Juliet?”

“E gusto ko eh. Pinagisipan ko iyan ng maigi!  Ako ang pumili nito. Ikaw, bakit mo ako tinernohan? Aber? ” Di ko naman masasabi na ako ang pumili nito. Kasi ang totoo, PINILIT lang ako.

“May pumilit kasi sa’kin eh..”

“Stalker ka noh. Sabi na eh, may gusto ka sa’kin. Sagutin mo na kasi ako para tapos na ang paghihintay ko.” There she goes again. Hangiiin.

“Baliw ka talaga. Tara, tingnan natin 'yung booths na inasikaso nina Jude.” 

 Hinanap ko sa paligid si Jed para isama.. Ayun! “Uyy Jed! Sama ka sa booths.”

“Tol. Okay lang ba na kayo muna? Kasama ko girlfriend ko eh.” Sabay turo sa kasama niya.

“Cge na nga. Tara, Alexandra. Iniintay na tayo nina Jude.”

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon