Chapter 23

3.3K 52 7
                                    

Chapter 23

Sobra akong nabigla nung sinabi ni "Mommy XD" yun. Tae kasi Alex. Wala namang tatawag sa ganitong magandang ginang ng Manang!! E asan ba kasi yung si Manang? Tsaka si Drew?!


"Um, sorry po, Mrs. Mercado. Di ko po alam na umuwi pala po kayo. Akala ko si Drew at si Manang lang po ang andito. E di ko pa po nakikita kung anong itsura ni Manang eh. Sorry po talaga."

"Ok lang." sagot niya pero straight ang face. Leche. Parang kinilabutan ang buong katawan ko. 

"Bakit galing si Drew sa inyo? Kayong dalawa lang ba?"Bakit parang pare-pareho ng utak sina Che, Riza, at "Mommy"? Amp. haha.

"Ay hindi po! Andun din po ung tatlo pang officers ng SAA. Namili po kasi kami ng mga kailangan, e biglaan lang po un, na-short kami ng pangdinner."
"Ah ganun ba? Nagluto ka?"
"Um, hindi po e. Si Drew po nagluto."
"Talaga? Nagluto si Drew?" parang di niya ine-expect yun. Gusto ko sanang sabihin, 'kakasabi ko lang po diba, nagluto si Drew. Gusto pa inu-ulit ulit.' Pero dahil magiging mother-in-law ko siya, mabait ako. Saka ko na lang siya babarahin kapag boto na siya sa'kin. 

"Opo."
"Ah. Anong naiwan ni Drew?"
"Wallet po niya."
"Ah. Sige. Intayin mo na lang, may pinuntahan lang e. Babalik din un. Maiwan na muna kita diyan."

Grabeee. Feeling ko ayaw niya sa'kiiiiin. Ni hindi ako chinika kung sino ako anong pangalan ko, di man lang nag-offer ng juice. Hindi naman sa gusto ko uminom ng juice , pero ung offering ay sign ng maayos na pakikitungo. Tapos iniwan pa ako mag-isa. HALAAAA. Putulin na lang kasi dila ko! 


Mamaya, nakarinig ako ng pagbubukas ng gate. Haha. Ivi-victim ko si Drew.  Hinawakan ko ung libro tapos binasa kuno ulit.


"Ma. Andito na ulit ako. Walang tao sa pinuntahan ko e."sigaw ni Drew habang di pa nakakapasok sa bahay. May hawak siyang mga plastic bags. Kasunod niya si Manang. Mukhang nag-groceries sila.


Tuluy-tuloy lang ako sa pagkukunwaring pagbabasa. Naramdaman ko ang yabag ng paa niya, na biglang huminto dahil siguro may UFO sa harap niya. Undeniably Fretty One. 

"Excuse me, Miss? Bisita ka ba ng Mommy ko?"
"Yup. I'm just waiting for her to come back." iniba ko uli syempre ang boses ko. The English accent.  Tiningnan ko lang siya for a fraction of second para di ako mabuko.
"Ah. Manang, patimpla naman po ng juice. Salamat."tapos umupo siya sa opposite ng inuupuan ko. Hindi siya nakatingin sa'kin. Aba, hindi interested.
"Um, would you mind my asking if this is yours?" Pinakita ko ung book in a way na takip ang mukha ko. 
"I know it's unusual, but yes. One of the things Mommy brought me."
"Ah. I see. Hm. I read something interesting here. Have you finished reading this?"
"Yes." 
"When did Mrs. Mercado arrive again?"
"Last night."
"Bloody hell! You're a fast reader!" Grabe. Ang kapal nun ha. Siya naman, mejo nagitla sa pagmumura ko. lol. "Anyway, the title of the story I've read is.. "I Courted Him."Tiningnan ko lang kung binasa nga niya. Malay mo, um-oo siya.
"I don't think I've read something like that." Mejo nakakunot ang noo niya.

"Here. I'll show you." Tumayo siya at lumapit. Ako kunwari naghahanap ng page kung nasan un.
"Oops. My bad. It's not I Courted Him. It's..." Linugay ko ang buhok ko, tinanggal ng saglit ung salamin ko, "It's I Courted Drew." at isinuot ulit ang salamin. Feel ko eh. haha.
""Alexandra?!" Ang cute cute niya magulat, grabe! Hahahah.
"Yeah, Drew. It's me. haha! Took you long to recognize huh? "
"You have an adorable English Accent. " tapos natatawa siya. Siguro nga pagod lang yung kagabi.

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon