Chapter 12

3.9K 65 14
                                    

Chapter 12

“Halika, dadalhin na kita sa Principal’s Office. Dalian mo. May party pa na nagiintay sa'kin. Sa sobrang pagkairita ko, di ko na naitanong kung bakit ba andito siya ng gabi, sa araw pa ng party. Ang dami-daming araw na pwede e.

“Alex, why are you like this?” she said exasperatedly.

“Because I am NOT like THAT.”

“Past is past, honey. Can’t you find forgiveness in your heart?”

“I can but not for you.”

Sakto namang dumating na si Che.

“Look who’s here.” Pambungad ni Che. For one second, kita ang pagkagulat niya. Pero napalitan agad ito ng hatred.  “ Gusto mo na ba uli ng sisiraan?” 

“Che.. Ang tagal na noon. We were still childish back then. Guys, I’m sorry, okay?” 

“Childish? You think ruining someone else’s life ay gawain ng bata?!  Halos ipasuka mo na si Alex out of school eh.”

“I said I’m sorry. Nandito na ako, nandito din pala kayo. Let's just be friends again and put the past behind us. ”   Wala akong sinabi. Ayoko pa pagusapan ito eh. Dahil kung tatanungin ako, nasaktan niya talaga ako. And ayokong inaalala lahat ng nangyari kasi masyadong masakit. 

“Mahirap ng ibalik ang nasirang tiwala, Riza. Kumbaga sa papel, hindi na natin maibabalik sa dating itsura nito lalo pa kung hindi lang ginusot, pero ginutay gutay na at halos sunugin mo pa.” Hindi lang naman kasi ako ang nasaktan ni Riza eh. Si Che din. May kung anu-anong rumors ang pinakalat niya. At siya din ang dahilan kung bakit kami nagdrift apart ni Che NOON.

“Halika na. Ihatid na natin siya sa office.” Ang alam ko andito pa lahat ng marami sa faculty members dahil ng party. Siguro 'yung iba to join, or 'yung iba to work siguro. 

Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Walang nagsasalita at ang bigat sa pakiramdam. Dahil sa katahimikang iyon, nagsimulang bumalik sa’kin ang mga ala-ala namin ni Riza.

**flashbacks**

“Riza.. Alam mo ba, si CJ! Ewan ko, feeling ko nagkakaron na kami ng something. He’s been so sweet to me. We often hang out na din. Kapag iniintay kasi kita kapag labasan, sinasamahan niya muna ako. Nagkekwentuhan kami, nagtatawanan.. and I feel so happy. Kaso nauunang dumating ang sundo niya kesa sa pagdating mo so di mo siya inaabutan.”

“Wow naman. Wait, CJ who? CJ the hottie?”

“Yeah..  ”

Lumipas ang dalawa o tatlo atang araw.. Wala na si CJ sa dati niyang pinag-iintayan sa’kin.

Araw.. Linggo.. Bigla siyang nawala.

Isang araw nakita ko siya ulit,  pero hindi na sa dati naming tinatambayan.

“CJ.” Nilapitan ko siya.

“Uh, Hi Alex.”

“Long time no see ha. Ano na balita?”

“Actually..—Alex, I’m sorry. May.. May girlfriend na ako.” Nakatingin lang ako sa kanya. Dina-digest iyong sinabi niya. Pero alam kong hindi ako binebetray ng facial expression ko. Blank lang siya.

“Si.. Si Riza.” 

“Oh, really. Riza who?”

“Your Riza. Riza Contreras.” DAMN.

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon