Chapter 3 - PIO

4.8K 78 4
                                    

Chapter 3

Dumaan na ang Sabado't Linggo at ito ang unang araw ng panliligaw ko sa kanya. I used the weekend to come up with a plan para mapasa'kin ang dapat na ay akin.  Bwahaha. 

Ang aga pa pero nandito na agad ako sa parking lot ng school.  Mukhang nagiging mabuti akong estudyante dahil ni Drew. Oo, para sa akin, kabilang na sa mabubuting estudyante ang mga taong maaga pumasok. Haha! Effort kaya. Bumaba na ako sa kotse ko at hinanda ang sarili ko sa pagpasok sa campus. Ready na ba ang mga armas ko? Check! E ang mga bomba? Tinatanong niyo kung bakit? Kasi.. I'm the bomb. Hahahaha. 

Hindi, sigurado kasi ako na kung may pinagsabihan si Drew tungkol sa panliligaw ko, susugudin na ako ng mga  fans niyang patay na patay sa kanya. At kahit naman medyo patay na patay ako kay Drew, hindi naman niya ako fan! Cute admirer ako. Hihi. 

Pero joke lang. Yung armas part. Cute talaga ako. Hahaha. Hindi naman kasi ako natatakot sa kanila. Ano naman ang magagawa nila laban sa'kin? Judo Master yata ako.  Pero syempre to be used lang sa oras ng pangangailangan. Haha. 

Pagpasok na pagpasok ko pa lang, automatic nang hinanap ng mata ko ang napakagwapong pagmumukha ni Drew. Dahil we have a connection chos, nakita ko agad siya sa may canteen kasama ang 2 niyang co-officers sa isang association. And ayon sa research (yes, not stalking) ko na alam ko by heart, Social Affairs Association 'yun. Bago pa man ako makalapit nakita ko na agad ang pagkunot ng noo niya.

"Hi Drew! Namiss kita!" Sabi ko pagkalapit. Wala namang malisya dito ang I miss you. Sobrang common sa friends. Sa Clingy Academy nga pala ako nag-aaral. Joke. Ayoko munang sobrahan ang pangungulit kay Drew kasi as much as I like annoying him, I don't want him to hate me. Baka layuan pa niya ako ng tuluyan at sirain ang mga plano ko. Haha. 

"Ang aga mo ata ngayon. Himala." Cooold. And alam niyang di ako pumapasok ng maaga. Hm.. Well, alam naman ata ng lahat kasi lagi akong nasa PoD.

"May gustong-gusto kasi akong makita eh..  "

"Talaga? Sigurado ako, bibwisitin mo na naman 'yun."

"Nope. Ang bait ko kaya.

"Teka, magkakilala kayo?"Tanong ng isa sa dalawa niyang mga kasama. Napatigin ako sa kanila at nakita ang mga mukhang nilang di makapaniwalang magkausap kami. Una, kasi sabihin na nating medyo powerful delinquent ang peg ko. Padalawa, my world and Drew's world should not be colliding. We can't be any more different.

"Tss. H—"

"Oo naman. So close.  Diba Drew?" Kaya malakas ang loob kong ganituhin si Drew, kasi ayon sa aking research, si Drew ay gentleman at hindi namamahiya ng babae sa harap ng madaming tao. 

"Oo nga eh. How unfortunate of me, right?" nakangisi niyang sinabi.

"Lul." sabi ko gently (baka maoffend e haha) sabay tawa. Tumawa na lang din mga kasamahan niya. Tama nga naman sila; hindi mapapahiya ni Drew ang mga taong hindi hahayaang mapahiya sila. Kaya kung di mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, kawawa ka. Buti na lang si Alex ako.  Di uubra sa'kin yang Bogart na 'yan. 

"Sige, una na ako. May aasikasuhin pa ako. Ingat ka, Drew. "

DREW'S POV

"Drew. Naman! Kayo ba? Ha, kayo ba? "

Kakatapos lang ng klase at paakyat na kami sa office namin, ang Social Affairs Association. Ngayon ako kinukulit ng mga kasama ko kanina dahil hindi kami magkakasama sa isang klase. Kami lang ni Jed, ang vice president. Ang isa naman ay si Jude, treasurer. Yung secretary namin, nauna na yata sa taas. 

"Hindi nga e. Si Alexandra? Asa."

"Taas ng standards pare a. Ang ganda na niyan o. Sexy pa. Mayaman."

"E ano naman? Ang pangit naman ng ugali niya. Wag na lang!"

"Sus, wag na daw. Pero nung nakita mo namang dumating para kang nakakita ng multo. Hindi ba ganyan ang reaction kapag nakikita ang crush." O, nakisakay pa 'tong si Jude (treasurer). Pinagtulungan pa nga ako o.

"Wag niyo nga ako idamay sa kalokohan niyo," pang-aasar ko sa kanila. Paano ba ako di mababalisa kanina, alam kong nalalapit ang panganib. 

"Ayee, nagbibinata na si Drew. " Tss. Bihira lang kasing may ma-'link' sa'kin kaya sinusulit na nila 'to.

"Tigilan niyo na nga ako! Kayo talaga, andami pa nating ibang kailangang isipin at pag-usapan" 

"Oy, Jude tigil na daw. Naiirita na si Master. In denial stage pa kasi."  Tiningnan ko na lang siya ng masama at tumigil naman siya. Yun nga lang, kita pa rin sa mukha nilang nageenjoy sila sa ginagawa nila. Tss.

Habang umaakyat kami naalala ko na naman si Alexandra o ang 'The Alexandra Villaroel' na madalas pinaguusapan ng mga tao dito dahil sa pagiging sakit ng ulo niya. Ang halos pagtira na niya sa POD's office, ang mga nakakaaway niyang babae, nakakasagutang teacher, o kahit ano lang. Nakakainis. Bakit ba kasi niya ako pinagtitripan. Ang dami namang ibang pwede. Pasalamat siya di ko kayang mamahiya ng direkta. Ang dami ko na ngang isipin dito sa school dadagdag pa siya.

"Gaano kaya tayo katagal makakahanap ng temporary PIO, Drew?"tanong ni Jed . Bakante kasi ang positoion ng Public Information Officer sa Social Affairs Association. 

"Di ko din alam. Sana may mag-apply. Kung wala, baka naman may kilala kayo dyan na maayos, responsable, at hindi sakit ng ulo." Paano ba naman iyong PIO ang napili na maging exchange student. Saka pa nangyari 'to ngayong busy ang assoc at ang dami daming paaaprubahan at plano para school na dapat gawin. Kami yata ang namamahala ng pagbibigay ng magandang image at pagme-maintain nito. Pwedeng through parties, or events, talks, at kung anu-ano pa. Pero sabagay.. Wala pa naman masyadong gagawin ngayon ang PIO. Kasi ung upcoming activities namin will be held inside the school muna and not very serious pa.

Kung tutuusin, mas madami pa akong inaasikaso kesa sa SC President. Dito kasi sa S Academy, ang Student Council ay sa discipline and school rules focused. Sa ibang aspect naman, distributed sa iba't ibang associations.  Pero di ako nagrereklamo. Mahal ko yata 'tong ginagawa ko. 

Pagdating namin sa may stairs, nandoon na si Miah, 'yung secretary. Nagbatian lang kami saglit at sabay-sabay nang umakyat papuntang second floor. Pagdating namin sa harap ng room, napansin kong hindi nakalock ang pinto. Sino kaya ang papasok dito? Binuksan ko ang pinto at ang nakita ko sa loob ang bumasag sa pag-asang magkakaroon pa ako ng mapayapang araw ngayon. 

"HAHAHAHAHAHHA!" May babae sa harap ng laptop. Si Alexandra. Tumatawa ng napakalakas, nakakahawa, at hindi pambabaeng tawa, nakaupo sa PIO desk. Please, Lord, sabihin po Ninyong nakikiupo lang siya.

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon