Chapter 6 - Drumstick: Cookies and cream

4K 61 5
                                    

Next day, I went a little bit earlier to have lunch with them. How did I know again? Observation skills. Matanglawin! 

Wala siyang sinabi pagdating ko. Actually, wala naman talaga siyang sinasabi most of the time pwera kapag tungkol sa acads or sa SAA. Wala din siyang snide remarks. Tiningnan lang niya ako, nagsmirk, at pinagpatuloy ang pagkain. Ang boring ng ganito. Babawiin ko na talaga mamaya yung akala niyang pinagkalat kong panliligaw ko.

After finishing our meals, inalok ko sila ng drumsticks isa-isa, maliban kay Drew, pero lahat sila tumanggi. Di daw mahilig si Jed, si Miah yung vocal cords kasi singer, si Jude busog na daw.

Umalis na ako nang di tinatanong si Drew. *smirk* Pumunta na ako sa bilihan at bumili ng dalawa. Cookies and Cream na naman. Di ko na inalok si Drew kasi syempre tatanggi siya kahit alam kong gusto niya. 

Pagbalik ko sa table namin, hindi pa rin ako tinitingnan ni Drew. Tumitingin siya sa lahat ng lugar mapwera kung nasaan ako.  


“Oh, Drew.” abot ko sa kanya. 
“Sinabi ko bang gusto ko?” he glanced my way but only for a fraction of second.
“Sinabi mo bang ayaw mo?  Wag ka nang maarte. Paborito mo kaya 'to!” Nakita kong nagtinginan silang tatlo, si Jed, ngiting ngiti na naman. Pansin ko lang tuwang tuwa siya sa tandem namin ni Drew. Haha. 

"Oo nga pala, pwede niyo bang sabihin kay Silent Drew yung sikreto na tinutukoy niyo?" Natigilan naman si Drew sa pagkain niya ng Drumstick. See, di rin niya natiis!
“Sabi kasi ni Alex, ayaw mong nalalaman ng ibang tao na lagi kang talo sa kanya sa barahan niyong magkaibigan.”
Parang si Miah talaga ang spokesperson nila. Haha. Magsasalita lang 'yung dalawang lalaki kapag mangaasar a. Hm, may gusto kaya siya kay Drew or.. madaldal lang talaga siya? 
Oo nga, Drew. Wag ka na mahiya kung medyo talo ka talaga ng babae. It's okay to lose sometimes. 
“Iyon lang ba?  ”
“Bakit, may iba pa ba? ”
“Oo nga, Drew, may iba pa ba? ” tanong ni Jed.
“A—wala na.” Huminga naman siya ng malalim. Napatingin siya sa’kin at kinindatan ko siya. And for the first time.... nginitian niya ako. Omaygahd.


Tumungo na lang ako at kinain ng tahimik ang drumstick ko. Kasi naman 'yung ngiti niya.. AAAAH! HEAVEEEEN.    Sht, nagbablush ako. Ang tagal na noong huling pagbablush ko para sa isang totoong tao, or hindi celebrity. 


“Paano ba Drew. Magrereport pa kami ni Miah kay Mrs. Santiago.” sabi ni Jude.
“Ako naman, dadalhin ko pa kay Mr. R ung pinapabigay mo about the Upcoming Science Whiz Contest.” 
“Ah. Ganun ba? Sige. Salamat pala.”
Science Whiz. Wala bang Cheez whiz dyan? Natawa sila lahat sa joke ko maliban kay Drew na nagsmirk lang.
"Ang corny mo. Tara, alis na rin tayo." 

Ohmy. Kaming dalawa na lang ang magkasama. Hindi niya ako pinagtutulakan! I can't believe it. PLUS. Solo ko na finally si Drew. Naglalakad kami pero di ko alam kung saan pupunta. All that matters is that I'm with him. Hashtag, landi. 


“Kala ko sinabi mo na kanina iyong tungkol sa pantitrip mo.”
“Anong trip ka dyan!?  Ay nako, Drew. Kung ako sa'yo simulan mo nang paniwalaan na may gusto ako sa'yo at di ako titigil hangga't magkagusto ka din sa'kin” 
“Di pa rin ako maniniwala. Ikaw? May gusto sa'kin? Tss. And wow, parang siguradong sigurado kang magkakagusto ako sa'yo.” Sinabi niya un ng straight ang tingin, at walang emosyon. Wala talagang puso ‘to. Tsk. Tataniman ko ‘to siya saging para magkapuso eh! Nye.

We'll see about that.  And plus, ano naman ang nakakashock na may gusto ako sa'yo? Anong tingin mo sa'kin bad boy loving type? I need a good guy who'll make my bad heart go good, too.   Umiling lang siya at di na nagsalita. 

Tahimik na lang kaming naglakad papunta doon sa field. Ito na ung point na magkaiba na ang pupuntahan naming dalawa. Ako sa library, mag-aaral.   Joke lang, di ko alam. Magpapalaboy-laboy na lang ako or tatambay doon sa puno sa may field para relaxing. Si Drew, ewan ko. Di naman ako stalker.   Di ko na siya kukulitin muna. Enough presence na naman siguro ang naibigay ko sa kanya for one day. Baka magsawa siya. =))


“Sige, di na muna kita guguluhin.  Yaan mo mas magiging mabuti akong PIO okay? Bye Drew!” Tumango lang siya at nagsmirk. At least this time it's better than the first time na tinawag ko siya at di niya ako pinansin. In this life nga naman, if you want something, you find ways to get it.  At next time, di na lang 'yang smirk ibibigay mo sa'kin. Matatamis na ngiti na.

I Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon