PROLOGO

83 17 2
                                    

"Riri bilisan mo nga jan!" Sigaw ng isang batang lalaki habang kasalukuyang nakatayo sa kabilang kalsada.

"Anlayo mo naman Xiron! Nakakapagod pumunta jan!" Reklamo naman ng batang babae.

"Napakatamad mo talaga! Pag nakita mong nasa malayo pa yung sasakyan tumakbo ka agad dito!"

"Sabi ni mama bawal daw tumawid sa kalsada na walang kasamang matanda! Baka pagalitan nya ako!"

"Bilisan mo na kase! Lalo tayong papagalitan pag nagtagal pa tayo lalo!"

"Aish! Sige na nga! Pag ako talaga pinagalitan ni mama lagot ka talaga saken!" Umangat ang labi ng batang lalaki dahil nagtagumpay syang kumbinsihin ang kanyang kaibigan.

Agad itinawid ng batang babae ang sarili sa kalsada. At sabay nilang tinahak ang landas patungo sa bahay ng batang babae.

"Maawa po kayo wag nyo pong idamay ang anak namin." Rinig ng dalawang bata mula sa labas ng bahay.

"Si mama ba yun?" Takang tanong ng batang babae sa kanyang kasama.

"Shhh, wag kang maingay baka marinig tayo rito." bulong ng kaibigan nyang lalaki

Sinilip ng dalawang bata mula sa labas ng bintana kung ano ang nangyari sa loob.

"Malilintikan talaga pati ang anak nyo kung di nyo sasabihin kung san nakatago ang pendant!" Tila galit na tugon ng isang lalaking balot ng kulay itim na damit at may hawak na baril.

"Hindi po namin alam ang sinasabi nyo, wala po samin ang hinahanap nyo." Tila takot na paliwanag ng ama ng batang si riri.

"Nagkakagaguhan ba tayo dito?! Gusto nyo talagang malagay sa alanganin ang buhay nyo?!"

"Mama! Papa!" Biglang singit ng batang babae sabay takbo patungo sa kanyang mga magulang.

Sinubukan pa siyang pigilan ng kanyang kaibigan ngunit hindi ito nagtagumpay.

"A-Anak." Nanginginig at halos pabulong na sambit ng ina ng bata.

"Yan pala ang anak nyo." Nakangising tugon ng lalaki. "Bat  di tayo maglaro bata." Baling nya sa bata.

"Maawa po kayo wag nyo pong idamay ang bata, wala siyang kinalaman dito." Tila naiiyak na pagmamakaawa ng ina ni Riri.

"Laro tayo ng baril barilan bata, kung sino ang magsisinungaling siya ang babarilin."

"Anak umalis ka na rito. Sir hayaan nyo na po yung anak namin, bata lang po siya wag nyo po siyang idamay nagmamakaawa po ako." Naiiyak na tugon ng ina ni riri.

"Kung ayaw mong madamay ang anak mo sabihin mo sakin kung san nakatago ang pendant."

"H-hindi po talaga namin alam kung san nakatago, wala po kaming kinalaman jan maniwala po kayo."

Ngumisi ang lalaki at tinutok nya sa bata ang baril.

"Gusto nyo atang mamatay tong pinakamamahal nyong anak."

"Sir, wag po! Ako nalang po! Wag nyo pong idamay ang anak ko maawa po kayo!" Ika ng ama ng bata.

"Simple lang ang tanong ko pero di nyo masagot, ngayon magpaalam na kayo sa isa't isa." Kinalabit ng lalaki ang gatilyo ng baril.

Tatlong malalakas na putok ng baril ang nag ingay sa buong bahay ng mag anak.

"Wag!"

"Anak!"

Samantalang naiwan namang tulala at nakatingin sa kawalan ang kaibigan ni Riri sa labas ng bahay dahil sa natuklasan.

Matapos barilin ng hindi kilalang lalaki ang mag anak ay agad itong lumabas, dali dali namang nagtago ang batang lalaki sa isang mayabong na bulaklak upang hindi siya makita ng salarin.

Nang makumpirma ng batang lalaki na wala na ang lalaki ay agad itong pumasok sa loob upang tignan ang mag anak.

"X-Xiron h-humingi k-ka ng t-tulong, i-iligtas mo s-si Riri b-bilisan mo! I-ikaw n-na a-ang b-bahala sa kanya." Halos pabulong na pagmamakaawa ng ina ni Riri.

Napansin ng batang si Xiron na may kinuha ang nanay ni Riri sa kanyang bulsa at ibinigay ito kay Xiron. Isa itong kwintas at may pendant na hugis parisukat na kulay gold.

"I-ibigay mo to k-kay R-riri. S-sabihin mo sa kanya na w-wag nya itong iwawala. I-ipangako mo yan Xiron."

Iyon lang ang tanging nasabi ng ina ng batang si Riri bago ito tuluyang malagutan ng hininga.

__________

[A/N;No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means without author's permission. Characters' names, places, and events are all part of author's imagination. Incidents that happened in real life are all coincidental. ]

DATE STARTED: FEBRUARY 9, 2022
TIME: 9:54PM

The Secret Revenge On viuen les histories. Descobreix ara