Chapter 29 - Marion's downfall Part 1

3.9K 108 99
                                    

Ms.A's POV: Hello Ayers! Buhay pa ko! I'm so sorry ngayon lang ako nagparamdama at nagupdate. I know super tagal ng hiatus ko and hopefully maintindihan niyo ko, dahil sa totoo lang. Hirap talaga pagsabayin lahat. Lalo na yung tong chapter na to, medyo nahirapan ako isulat dahil unang una hindi ko talaga forte ang action scene so hindi ko alam paano ko siya isusulat kaya im so sorry kung medyo fail yung pagkakasulat. Will really try my best na ma-update ko yung next chapter. Thank you so much sa mga nagbabasa pa din ng Class 4-6. I love you all!

***************************************

*KARISSA'S POV*

Bakit ang dilim? Dejavu ba to? Bakit nangyayari na naman ito sa akin? Bakit ngayon pa na may dalawang anak ako sa tiyan ko?

Pero mas nakakaramdam ako ng takot ngayon kaysa nun unang nakidnap ako ni Janine. Dahil ba pakiramdam ko mahihirapan si Marion na mahanap ako ngayon? Hindi ko nga alam kung mahahanap ba kami ni Marion dahil alam kong yung kaisaisang tracker na meron ako ay nakuha din ng mga kidnapper ko ngayon.

"Wala pa ba si Mam?"

"Parating na raw kasama si Senator."

"Sigurado ba kayong malaki makukuha natin sa asawa nito?"

"Gag*, nasaan planeta ka ba? Hindi mo ba kilala yung asawa nito? Dahil hawak natin ang asawa niya, parang hawak na natin ang lahat ng pera ng buong mundo."

"Jackpot pala talaga tayo dito."

Sinong Mam at Senator ang sinasabi ng mga ito? Teka, Senator? May naalala ako noon minsan nasa office ako ni Marion. Isa sa mga rason kung bakit mainit yung ulo ni Marion nung oras na yun.

"Senator Dizon, sorry to say this. But I will not accept your offer... You can offer it to other airlines but not to my airlines."

Mahinahon lang yung boses ni Marion pero alam kong malapit na mahighblood yan. Pagkababa niya ng cellphone niya, tumingin siya ng masama kay Sec Lee.

"Sec Lee, if this Senator Dizon will call us again, do not accept his offer. Understand?"

"Yes po, Mr. Gotiangco."

Umalis na si Sec Lee kaya nilapitan ko na si Marion.

"Bakit parang mainit ulo mo sa kausap mo, Kin?"

"They want to use our airlines for their illegal transaction." Oh kaya pala. Mga ganitong bagay yung ayaw na ayaw ni Marion.

Akala ko tapos na sila sa pinagusapan nila. Hindi kaya ibblackmail nila si Marion ngayon kaya kinidnap nila ako?

"Andito na si Mam Nicole."

Nicole?!

*MARION'S POV*

"Thank you so much Mr. Gotiangco. I'm looking forward to work with you."

"Same with here, Mr. Park."

"Do you want to try our best bulgogi in Seoul before you go back to Philippines?"

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon