Chapter 18 - Daddy Marion

34K 888 491
                                    

Ms. A: Belated Merry Christmas and Happy New Year Ayers! Long time no update. I'm very sorry dahil ngayon lang ulit ako nakapagupdate. Hopefully maintindihan niyo po. As I said before, I'm preggy kaya hindi talaga ako makapagupdate dahil focus ako sa pagpapahinga noon then nanganak na ko kaya lalo akong hindi makapagupdate dahil iwas muna sa mga gadget. Ayers, I want you to meet my baby, Daven Kurt Luna-Mosqueda but you can call him, UNO. Habang nakamaternity leave pa si Ms. A, I will try my best na magupdate pa ulit hanggang sa matapos ko tong Book 2.

Thank you so much sa mga nagbabasa pa rin ng To be Mrs. Gotiangco hanggang ngayon at sumusupporta pa rin. I love you so much!

************************************

Nagising si Leslie at nagulat na lang siya dahil nakita niyang mahimbing na natutulog sa tabi niya si Jordan. Doon niya narealize kung ano ang nangyari sa kanila kagabi. Alam niya kung ano ang magiging resulta ng nangyari sa kanila pero hindi siya nagsisi dahil mahal na mahal niya si Jordan. Masayang masaya siya dahil sa wakas umamin na siya kay Jordan ng nararamdaman niya at ganoon din ito.

"Hey my pretty lady."

"Jordan, paano kung--"

"Don't worry, Leslie. No matter what happen, I will not leave you."

"Thank you."

Pero sa akala ni Leslie na magiging masaya na sila ni Jordan, doon siya nagkamali.

3 weeks after.

Nakareceive si Jordan ng text na nasa isang hotel si Marion at Leslie. Kaya nagmadali siyang pumunta doon at hindi nga siya binigo ng nagtext sa kanya. Kitang kita niyang kakalabas lang ng hotel nila Marion at Leslie. Galit na galit siya dahil hindi niya inaasahan na lolokohin siya ng pinsan niya at ng girlfriend niya. At mas lalong nagpagalit sa kanya ng nakita niyang nagyakapan ang dalawa.

Hindi na niya hinarap ang dalawa at umalis siyang galit na galit na dumiretso sa isang bar para uminom at kalimutan ang nakita.

Samantalang si Leslie, hinahanap niya kung nasaan si Jordan para sabihin dito ang kanyang magandang balita. Pero kahit na anong tawag niya, hindi nito sinasagot ang tawag nito hanggang sa nakita niya sa isang post sa social media na nasa isang bar si Jordan kaya nagmadali siyang pumunta dito.

Pagkadating ni Leslie, nakita niya agad si Jordan kasama ang barkada nito. Nagmadali siyang pumunta dito pero napatigil siya ng marinig niya pinaguusapan nila.

"Bro, balita ko napasagot mo na ang Miss Angel ng campus natin."

"Ako pa ba. Jordan Gotiangco ito. I can make everyone fall in love to me even that Miss Angel in disguise."

"Baka naman ikaw ang unang na-fall diyan kay Miss Angel. Paano na pustahan natin?"

"What? Me? Of course not. She's only my playtime. So give me your 1 Million dahil ako ang nanalo. And also I should have a bonus, nanalo ako sa pinsan ko."

Halos gumuho ang mundo ni Leslie ng marinig niya ang mga pinagusapan nila Jordan. Hindi niya akalain na isang laro lang pala ang lahat para kay Jordan at ginamit lang siya nito para saktan ang pinsan nito.

Hindi na siya ulit nagpakita kay Jordan at Marion dahil sa mga narinig niya. Doon na rin siya nagdecide na tanggapin ang offer ng Tita niya na tumira sa Amerika lalo mawawala na rin ang scholar niya dahil buntis siya.

Iyon sana ang magiging magandang balita ni Leslie kay Jordan dahil siya ay buntis. Alam niyang mahirap ito pero naging masaya siya dahil magkakaanak sila ni Jordan at naniniwala siyang magiging masaya rin ito. Pero isang kasinungalingan lang pala iyon.

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon