TEASER

129K 3.3K 1.4K
                                    

Ms. A:

Sa totoo lang, dapat kahapon ko pa ito napost but unfortunately, pagkapress ko ng select all, nadelete all ko naman. :( wala pa naman undo button dito sa phone.

Anyway, this is not a chapter. Just a TEASER.

I'm really sorry if wala pa din akong update. As much as I want, di talaga kaya ng time ko. Busy lang talaga ako. And i hope, you'll understand that. At sana you'll appreciate this my little gift. Kahit di siya update. Yan lang talaga kaya ko ngayon eh. Hopefully you'll like this. :)

Thank you so much for your non stop supports.

KARISSA'S POV

Kapag nanonood ako ng palabas dati, lagi akong sumisigaw ng tanga-tanga ng mga babaeng tinatakbuhan o umaalis agad pag nakakakita ganitong sitwasyon. Para sa akin noon, dapat pakinggan niya ang paliwanag ng lalaki. Dapat hindi siya nagpapatalo.

Pero ngayon, naintindihan ko na, hindi lang pala sa palabas yun, dahil isa na rin ako sa mga tangang babae. Dahil mapapatakbo ka na lang pala sa ganitong sitwasyon. Hindi ko pala kakayanin na maghintay ng paliwanag niya habang tinititigan ko sila.

Duwag na din ang maitatawag sa akin ng iba.

Pero masisisi niyo ba ako? Ng makita ko lang sila na magkasama sa condo na yun, durog na durog na ko.

Paano pa kaya kung malaman ko kung anong ginagawa nila sa loob?

"TAXI!"

"KIN"

Agad-agad akong sumakay sa napara kong taxi bago pa ko maabutan ni Marion.

At laking pasasalamat ko dahil hindi niya ko naabutan. Alam kong nagtaka si Kuya Taxi driver dahil sa pagiyak ko pero hindi na niya ko inusisa.

Gusto kong tumawa ng malakas dahil hindi niya ko naabutan. Bakit? Hindi ba siya agad pinaalis ng babaeng iyon? Nagpaliwanag ba siya muna kaya hindi niya agad nasundan ang ASAWA niya?

Sana Marion, kung hahantong din pala tayo sa ganito, sana hindi mo ko pinaniwala na mahal mo ko. Pinaglaban kita sa lahat ng tao na mahal ako ng sarili kong asawa pero wala naman pala akong pinaglalaban. Marion, wala ng natira sa akin. Walang wala na.

"KUYAAAA! May van napaparating!"

"Ay p*tang*na!"

Dito na ba matatapos lahat?

*booogsshhhhhh!*

Teka? Bakit parang hindi ganun kalakas un bangga?

"Ma..Ma'm may kotse po."

Anong kotse? Sa pagkakaalam ko, van ang makakabangga sa amin.

Laking gulat ko dahil may kotse na nakaharang sa amin. Pero mas nagpalaki ng mata ko, dahil pamilyar sa akin ang kotse na yan.

Dejavu lang.

Pinagkaiba lang, nasa loob ako ngayon ng taxi at basag ang mga bintana ng kotse niya.

Ganoon ba kalakas ang impact ng pagharang niya?

"KIN!"

Napababa agad ako ng taxi at tumakbo ako sa kotse niya.

Lalo akong naiyak dahil sa nakita ko.

"KUYA! Tulungan niyo po kami. Yun asawa ko po ang nasa loob nyan. Tumawag po kayo ng ambulansya."

Wala na akong tigil sa kakaiyak.

Nakita ko na lang na nagmove backward un van para mabuksan ang driver seat ng kotse ni Marion.

Binuksan ko na agad ang pinto niya at buong katawan ko ang nanghina sa nakita ko.

"Ki..Kin."

Nilapitan ko siya agad kahit ramdam na ramdam ko yun panginginig ng katawan ko.

"Bakit mo na naman ginawa toh?! Kin gising ka na! Nakakainis ka naman eh. Magpapakamatay ka ba?!

Bigla siyang lumingon sa akin, at lalo akong naiyak dahil may mga dugo ang mukha niya.

Ngumiti siya habang titig na titig sa mga mata ko. At pinunasan niya ang mga luha ko.

May gana pa siyang ngumiti diyan. Mamatay na ko sa pag-alala dito.

"Finally, I heard you calling me "Kin" again. I've been waiting for you to call me that ever since I came back.I told you, I'm going to protect you for the rest of my life, even if it means taking my life for your safety. That's how much I love you Kin. Only you."

***********************

NEXT UPDATE: MARION'S POV

PLEASE JOIN AT CLASS 4-6 GROUP ON FACEBOOK:

Class 4-6 by Ms. A

Para mameet niyo din ang OP ng Class 4-6 Casts. ^^

https://m2.facebook.com/groups/233193399882?ref=m_notif&notif_t=group_activity&actorid=100006831602839

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon