Chapter 23 - JorLes Couple

9.3K 388 160
                                    

Hello Ayers! I hope, ok lang kayong lahat. Thank you so much again for keep reading this TBMG kahit ang slowwwwww update.

Anyway, I need a favor from you. And I hope you can help me. Can you comment here all questions you want to ask me? Kahit anong questions, kahit about Class 4-6 or Watty or Teentalk or about life or about family or about being a mom, anything basta wag lang "Kelan po update?" Thank you in advance! 😍

I wish that matapos na tong pandemic para naman mameet ko na kayong lahat. And I want to share a good news pala, SOLD OUT na ang Class 4-6 Book 1. Yey!!! Congrats to us Ayers! And thank you so much sa lahat ng bumili and I hope na sana pati itong TBMG, supportahan niyo rin pagkarelease.

Love, Ms. A
*************************************************

*Third person POV*

"Ok lang ba na iniwan natin silang tatlo doon?" Tanong ni Leslie kay Karissa.

"Wala naman masamang gagawin si Marion at Jordan lalo na nasa harapan nila ngayon si Sean." Sagot ni Karissa.

Si Marion, Jordan at Sean ay nakaupo sa isa sa mga table sa loob ng Mcdonald dahil si Karissa at Leslie ang nakapila sa counter para umorder ng pagkain nila.

"Kamusta ka na? Ok naman ba pagbubuntis mo?"
"Ok naman kami ni baby. 4 months na rin sila."
"Wait, sila?"
"Yes, we are having a twin. Ang cute diba?"
"Yes! Ang galing ni Marion Gatcheco Gotiangco" nagtawanan silang dalawa dahil sa sinabi ni Leslie.
"Sabi ng OB ko, next month na namin malalaman yung gender nila. Punta kayo sa gender reveal party namin ah."
"Oo pupunta kami ni Sean."
"Isama mo na rin si Jordan."

Nagulat si Leslie sa sinabi ni Karissa.

"Sigurado ka ba, Karissa? Baka kasi magalit si Marion."
"Huwag ka magalala. Akong bahala doon. Ayaw ko naman magisip ng kung ano si Sean kapag hindi natin sinama si Jordan."
"Sige, Karissa. Sabihan mo nalang ako kung kelan."
"Kamusta naman kayo ni Sean sa bahay ni Jordan? Ikaw kamusta naman si Jordan sayo?"

Pag-alala ni Karissa. Pero mukhang alam na niya ang sagot sa tanong niya. Nakita niyang lumungkot ang mukha ni Leslie.

"Teka, sinasaktan ka ba ni Jordan?"
"Hindi, Karissa. Wala naman siyang ginagawang masama. He really did a great job being a father to Sean. Ngayon ko lang nakita si Sean na ganitong kasaya kaya masaya na rin ako."

Hindi na nakasagot si Karissa dahil sila na ang oorder. As usual, marami na naman ang inorder ni Karissa at sinabay na rin niya ang order nila Leslie.
At dahil na rin sa dami ng order nila, may mga crew na tumulong sa kanila bitbitin ang mga order nila. Pero ng parating na sila sa table nila, nagulat na lang si Karissa at Leslie dahil biglang tumayo sila Marion at Jordan ng makita sila. Pero ang mas kinagulat nila, kinuha ng dalawa yung mga tray ng order nila doon sa mga crew na nakasunod sa kanila at tinignan ng masama ito.
Pagkaupo nila, narinig ni Karissa ang bulong ni Marion.

"How dare them to stare at my wife."

Gusto na lang matawa ni Karissa kay Marion pero ayaw na lang niya pansinin dahil gutom na gutom na sila ng anak niya.

"Jordan, ito sayo chicken nuggets." Inabot ni Leslie ang chicken nuggets na order niya kay Jordan.

"Wow Daddy! Is this your favorite?" Tanong ni Sean kay Jordan.

"Yes, man. Why? Is it also your favorite?"
"No, Daddy. It is Mommy's favorite too."

At dahil sa sagot ni Sean, natahimik ang apat na matanda. Kelan pa nahilig sa nuggets si Leslie? Iyan ang tanong ni Jordan sa sarili niya.

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon