Chapter 17 - Sean

36.9K 925 845
                                    

Long time no update. I'm so sorry Ayers. I know I already explained before kung bakit hindi ako nakapagupdate agad. First is dahil sa wedding and Second is because of I'm pregnant. Yey! Parehas na kami ni Karissa. (As of now, I'm 5 months pregnant) Hopefully, maintindihan niyo bakit matagal akong nawala kasi medyo mahirap yung first trimester ko. Kaya ngayon, medyo okay na ko and si baby Dudung ko (Yes! It's a boy!) Babawi na si Ms. A sa pagupdate ng Class 4-6, To be Mrs. Gotiangco and yung new story ko na Two Worlds Collide.

At sa mga nagtataka bakit ko po iuupdate ang Class 4-6 dahil ilalagay ko po dito sa Wattpad yung mga Edited Chapters na wala po sa book kaya I encourage to reread the Class 4-6 once na maipost ko na lahat ng edited chapters na wala sa book.

And also, magpplug na rin ako. Haha! Sa mga wala pang book, you can buy the book to me directly either meetup or shipping just PM me here or on my FB account.

Masyado na mahaba yung message ko. Kaya basahin niyo na po ang new update! I love you all Ayers! Thank you so much!

*************************************

Karissa's POV

It's been a month since I received that email. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong lakas na loob na tanungin si Marion tungkol sa batang iyon. I don't want to jump into conclusion para isipin na anak ba niya iyon kay Leslie.

Yes, I confirmed already na anak nga ni Leslie ang batang iyon. Hindi lang si Marion ang magaling magimbestiga. I tried my best para makakuha ng mga information tungkol sa batang iyon at kay Leslie. At dahil na rin lagi silang pumupunta sa ospital ni Tito (tatay ni Jordan) doon ako nakakuha ng impormasyon at kahit tinatago sila ni Marion hindi rin nakahindi sa akin ang nurse na nakakaalam sa kanila. Sa kanya ko nalaman na anak nga ni Leslie ang batang iyon pero ang hindi niya alam kung sino ang tatay. At ang dahilan kung bakit lagi silang nasa ospital ay dahil may sakit ang bata. Ang nakakalungkot ay he has a lung cancer.

At dahil doon, mas natatakot akong magtanong kay Marion tungkol sa kanila dahil baka mas makasama sa bata. At ito rin ang humahadlang sa akin para ibalita kay Marion ang 2 months baby namin.

"Kin?"

Hindi ko napansin nakatulala na naman ako at hindi ko rin napansin na nakauwi na pala si Marion.

"Kumain ka na?"

"Not yet."

"Bakit hindi ka pa kumakain? Anong oras na Marion Gatcheco-Gotiangco?"

Nagulat na lang ako dahil bigla niya kong niyakap sa likod.

"I just miss you."

"Miss ka diyan eh hinatid mo pa nga ko kanina sa school."

"Yeah, I know. But I think you didn't know na ilang beses kitang nakikita na lagi kang tulala at malalim ang iniisip. Are you hiding something from me?"

Teka alam na ba niya? Alam na ba niyang buntis ako?

"Hiding ka diyan. Wala akong tinatago. Medyo mahirap lang ang mga inaaral namin ngayon lalo."

"Ok. Iyan ang sabi mo. But let me remind you Mrs. Karissa Gotiangco, i don't want you to hide something from me."

Ako din naman ah, Marion. Pero bakit tinatago mo sa akin ang anak ni Leslie? Sino ba talaga siya? Sino ba ang tatay ng batang iyon?

"Kin, Can I ask you something?"

"Ano yun?"

"Do you think am I going to be a good father?"

Bigla akong natulala sa tanong ni Marion. Wait, don't tell me alam na niya? Alam na ba niya ang tungkol sa baby namin?

"Bakit mo naman na natanong yan?"

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon