Chapter 20 - Karissa's first trimester

23.3K 698 370
                                    

Ms. A: Hello Ayers! How are you na? I hope you all doing well. Stay safe everyone.

******************************************************

*KARISSA'S POV*


"MARION GATCHECO-GOTIANGCOOOOOOOOO!!!!!!!!"

"Why, Kin?!!! Do we need to go to hospital?! Wait, where is my car key?"

Pawis na pawisan si Marion at halatang nanggaling pa siya sa malayo. Pero hindi ko muna papansinin yan dahil pinapakulo na naman niya ulo ko.

"Anong car key ka diyan? Saka bakit mo ko dadalhin sa ospital?

"Then why are you shouting?!"

"Nagagalit ka?"

"No, I'm not." Gusto kong tawanan yung itsura niya pero hindi ko magawa ngayon dahil nangingibabaw yung inis ko sa kanya.

"Bakit may nursery room na agad dito? At hindi lang isa, bakit may dalawang nursery room dito?"

"For our child."

"Kin, 2 months pa lang baby natin. Pero yung mga gamit niya dito hanggang 1 year old na. Saka Mr. Marion Gatcheco-Gotiangco, hindi pa natin alam gender ng baby natin! Bakit may pangbabae at panglalaki na nursery room na dito?!"

Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko bakit ang init na naman ng ulo ko. Nakita ko lang itong si Marion, asar na asar ako.

"Hinanda ko na lahat para pagdating niya ready na."

Iyan na naman yung mayabang niyang ngiti. Pero bakit nga ba ko magugulat? Si Marion Gatcheco-Gotiangco yan, kayang kaya niyang gawing mall itong bahay namin para sa anak namin. Pasalamat ka pa Karissa, nursery room lang yung pinagawa niya.

Hindi ko napansin na may kausap na pala siya phone. At hayan na naman yung mukha niyang excited.

"How much is it?"

O ano na naman kaya binili nito? Halos mapuno na niya yung 2 room ng nursery room.

"Ok, I will buy it. Send me the copy of the contract and will transfer the money. I ask my Kin for it's new name."

Contract? New name? Parang hindi na yata bagay binibili nito. Parang kinakabahan na ko.

"Kin, start thinking a name now."

"Name? Nino? Kin, 2 months pa lang baby natin. Hindi ko pa alam gender niya."

"I'm not talking about our little one."

"Eh sino?"

"It's not who. It should be what."

"SASABI--"

"Magisip ka na ng bago mong ipapangalan sa Enchanted Kingdom."

"ANO?!"

***************************************

"Auntie K, si Marion po?"

"Naku iha, maaga siyang pumasok ngayon. Hindi ba siya nagpaalam sayo?"

"Hindi po eh."

Kahit kailan talaga iyong bakulaw na kapre na iyon. Hindi man lang nagpaalam sa akin. Teka galit kaya sa akin iyon?

3rd month na rin itong baby namin. Pero hanggang ngayon hindi ko maintindihan parang galit na galit sa daddy niya ang baby namin. Hindi ko maintindihan kasi bakit nitong mga nakaraan na araw galit na galit ako kay Marion lalo na nun nalaman kong binili nga niya ang Enchanted Kingdom. Tinototoo nga niya na gagawin niyang playground iyon ng magiging anak namin.

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon