Chapter 19 - "I will be a donor" - Jordan

25.7K 656 275
                                    

Keep Safe, Ayers and please stay at home. And for those frontliners, thank you so much and please be healthy.

********************************************

*MARION'S POV*

"Honeybunchbebe, kailangan ko ba talaga magsuot ng ganito?"

Ito na yata ang pangsampung tanong ni Japs.

Andito ako sa labas ng hospital room ni Karissa kasama si Vince, Rayne at si Japs na nakasuot ng pulang bubuyog. Ano nga ulit pangalan nito?

At nasa loob naman ng room si Karissa at Ciara.

Kanina pa kami andito sa labas dahil sa kaartehan nitong si Japs.

"Subukan mong hubarin yan Japs, kung gusto mong habangbuhay mong suot-suot yan"

"Isang araw lang ito Bal. Sige na, pasok na tayo bago pa maging habang buhay mong suot suot yan si Jollibee."

Ah. Jollibee pala pangalan nito.

Pero ng papasok na kami, nakita ko si Jordan at Leslie na sabay na naglalakad.

Teka, saan naman sila pupunta?

"Rayne, mauna na kayo sa loob. May pupuntahan lang ako. Wag na wag niyong papalabasin itong bubuyog na ito hanggat hindi pa siya pinapalabas ni Karissa."

"Sige, Marion. Akong bahala dito kay Jollibee."

Pumasok na silang tatlo at rinig na rinig ko dito ang tili nila Karissa at Ciara ng makita nila si Japs.

Humanda sa akin yan Japs Guevarra kapag naging kamukha ng anak ko si Jollibee.

Sinundan ko na agad sila Leslie at Jordan. At hindi rin sila lumayo at mukhang maguusap silang dalawa kaya nagtago muna ako para marinig ang pinaguusapan nila.

"What's his name?"

"Sean Matthew"

Tumahimik si Jordan pagkasagot sa kanya ni Leslie at mukhang may malalim na iniisip.

"Jordan, ano bang kailangan mo sa akin? Dahil kung wala naman, babalik na ko kay Sean. Walang nagbabantay sa kanya."

"Yes, I don't need anything from you. Dahil ikaw ang may kailangan sa akin."

"Oo, ako nga may kailangan sayo. Pero diba hindi mo naman ibibigay iyon."

"You're wrong my dear."

Ngumiti ng nakakaloko si Jordan at alam kong may pinaplano na naman ito.

"I will agree to be a donor for Sean."

Nakita kong gulat na gulat si Leslie dahil sa sinabi ni Jordan at kahit na ako nagulat na gagawin niya iyon.

"But in two conditions."

"Ano yun?"

"You will going to live with me and introduce me to Sean as his father."

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon