Chapter 11 - I'm Pregnant

65.3K 1.4K 617
                                    

Note: Sorry po last time dahil accidentally ko po napindot un publish instead of save. Ito na po talaga ang update.

******************************

"Ang aga-aga, nakasimangot ang asawa mo Karissa."

Paano ba naman hindi sisimangot si Marion? Ang aga-aga nilang manggulo dito.

"Tama si Ciara. Huwag mo sabihin nag-away na naman kayong dalawa."

"Hindi ah." Mukha ba kaming magkaaway sa pwesto namin kanina sa kwarto namin?

"Teka, bigla kong natandaan Karissa. Bakit balot na balot kayo ni Marion ng kumot kanina? Masyado bang malamig sa kwarto niyo?"

"Yieee. Don't tell me, gumawa na kayo ng little Marion at little Karissa?"

Nahampas ko ang dalawang ito dahil sa mga sinasabi nila. Akala ko pa naman hindi na nila mapapansin. Pero bago pa tumagal ang pang-aasar nila sa akin, nagulat na lang kami dahil nanganig sa buong bahay ang boses ni Marion.

"CAN YOU ALL JUST SHUT UP AND LEAVE US ALONE?!!!"

Doon lang namin napansin na nakapaligid sa kanya ang Class 4-6 at mukhang nairita si Marion sa ingay nila.

"WHO TOLD YOU TO GO HERE?!"

"Uhmm.. Kuya ni Karissa?"

At dahil ramdam ko na rin ang masamang aura sa mukha ni Marion, nilapitan ko na sila.

"Kin, hindi ka pa kumakain diba? Punta muna tayo ng kitchen, ready ko na muna ang breakfast natin."

Tumango na lang si Marion at tumayo na rin. Pero hindi talaga niya kinalimutan tumingin ng masama sa Class 4-6. Hindi pa din nagbabago itong si Marion.

Laki kong pasalamat dahil wala naman sumunod sa amin dito sa kitchen. Hinayaan ko muna si Marion maupon sa mini table dito at ako naman, nireready ko na lang ang breakfast namin. Mabuti na lang dahil meron ng lutong pagkain dito na pang-breakfast namin.

"Kin, coffee, milk or juice?"

"Tsk."

Paglingon ko ka Marion, nakasimangot na naman siya. Problema na naman ng bakulaw na kapre na ito?

"Bata ba ko o babae?"

Gusto kong matawa sa expression ng mukha niya. Hindi lang naman para sa bata ang gatas at ang juice sa babae. Hay naku, Marion.

"Of course, coffee."

Bumalik na ko sa pagreready ng breakfast namin pero hindi ko pa din mapigilan matawa. Nababaliw ka na yata Karissa, simpleng pagsusungit niya kinikilig ka na agad. Pero kung dating ugali ko yan, malamang sinungitan ko din yan at pinabayaan magtimpla ng kape niya. Ganito ko talaga siya ka-miss na simpleng galaw lang niya, kinikilig na ko.

"Ano naman tinatawa ng asawa ko?"

Nagulat na lang ako dahil nakayakap na pala siya sa likod ko. Parang mas lalo akong kinikilig ngayon sa pwesto namin. At mas lalo akong kinilig dahil sa ginawa niyang paghalik sa pisngi ko.

"Can I have you for my breakfast?"

"Ano ka ba, Kin?!"

"Tao."

"Aba, sumasagot ka na ng ganyan. Bumalik ka na nga doon sa upuan mo. Hindi ako matatapos dito at hindi tayo makakain."

"I'm just joking, Kin. I want to stay with you. Baka may biglang mang-agaw sayo."

Hay, mukhang babalik na naman kami sa Jordan topic. Hindi talaga siya maka-move on. Wala ba siyang tiwala sa akin?

"I trusted you, Kin. Wala lang akong tiwala sa lalaking iyon."

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon