Chapter 27 - I'm the wife

6K 215 83
                                    

Ms. A: HAPPY 14TH ANNIVERSARY CLASS 4-6. Yes! 14 years old na nga ang Class 4-6. Maraming salamat sa lahat Ayers na hanggang ngayon sumusurporta sa Class 4-6 at sa TBMG. Wish ko lang, sana hanggang sa mga susunod na series ng Class 4-6 suportahan niyo rin siya. Lalo na sa mga kwento ng mga anak nila. Sorry din dahil hindi ko nasunod yung timeline ko na dapat ngayon din ang tapos ng TBMG. Pero magbibigay na ko ng hint, malapit na siya matapos at marami na ang mangyayari sa ating KarMar couple kaya abangan niyo.

Thank you so much!

PS: HAPPY BIRTHDAY din sa aking unico hijo, my poging Uno. 😍😍😍

Trivia: Alam niyo bang same ang birthday ni Uno at anniversary ng Class 4-6.
*****************************************************
*THIRD PERSON POV*

"Carmela, kapag hindi ka pumayag ngayon, ako na magsasabi sa Kuya Marion mo."

"Chris naman. Please. Wag na wag mong sasabihin sa ka Kuya."

"Then, pumayag ka na magpatingin sa doctor. Magpapacheck up ka lang then if the doctor says, everything is normal, promise hindi na kita kukulitin."

Napabugtong hininga nalang si Carmela sa sinabi ni Chris. Ilang linggo na rin kasi siya kinukulit ni Chris na magpatingin sa doctor dahil sa mga nararamdaman nito. Ilang beses na rin kasi siyang nahihirapan huminga at nahihilo.

"Ok, sige Chris. Papayag na ko pero please mangako ka na wala ibang makakaalam nito."

"Yes, my princess." Ngumiti na lang si Chris kay Carmela at saka hinalikan ito sa noo. Pero sa totoo lang, natatakot si Chris at nagdadasal na sana ayos lang ang kakalabasan ng test ni Carmela.

Ilang linggo din silang pabalik balik sa ospital para sa ibat ibang test na ginawa kay Carmela.

"Ms. Gotiangco and Mr. Tiu, Good morning. How are you, Ms Gotiangco?"

"Okay naman po ako ngayon, Doc."

"May result na po ba Doc lahat ng test ni Carmela?"

"Yes, Mr. Tiu. Let me start now." Humingi ng malalim ang doktora ni Carmela at doon pa lang, masama na ang kutob ni Carmela.

"I want to know again, Ms. Gotiangco. Do you have any family history of heart failure/disease?"

"Yes po. Mom ko po namatay due to heart failure. She need a heart transplant pero wala kaming donor na makita that will match to her. Wala din kasi siyang kapatid or parents to be her donor."

"Sorry Ms. Carmela. Sad to say, you inherit her heart disease. That is the reason kung bakit pinatake ka namin ng maraming test just to make sure na hindi kami magkamali."

At dahil sa sinabi ng doctor, bumuhos na ang luha ni Carmela. Bakit nga ba magugulat pa siya? Alam naman nila simula noon pa na isa sa kanila ni Chloe ang possible na magmana ng sakit ng Mommy nila. Pero bakit ngayon pa kung kailan nagiging masaya siya.

"I'm so sorry Chris."

Nagulat na lang si Chris sa pagsosorry ni Carmela. Oo, hindi pa nagsisink-in sa kanya ang mga sinabi ng doctor. Yinakap niya ng mahigpit si Carmela.

Hindi rin nagtagal natapos din ang paguusap nila sa doctor ni Carmela kung ano ang mga dapat niya muna gawin at paano sila makakakuha ng donor.

"I'm so sorry Chris."

"Carmela, bakit ka ba nagsosorry sa akin?"

"Dahil hindi ko alam kung gagaling ako sa sakit ko. Kung matutulad din ba ko sa Mommy ko. Hindi ko naman ginustong magkaroon ng ganito. I'm so sorry dahil pati ikaw nadadamay dito. Kung hindi mo ko nakilala, hindi mo mararanasan yung ganito. I know kung gaano kasakit mawalan ng minamahal. And I didn't mean to make you feel it."

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon