Chapter 61: 'Will you be my happily ever after?'

4K 71 7
                                    

Chapter 61: 'Will you be my happily ever after?'
---------------

Chane's POV

Ilang oras na lang pala engagement party na. Pero bakit ganon, bakit hindi ako masaya? Diba yung mga taong engage makikita mo sa mukha nilang masasaya talaga sila pero bakit ako parang mukhang nalugi?

'Masaya ba ko?' I asked myself

Oo naman. Masaya ko, ma-eengage na ko sa taong mahal na mahal ako

Konsensya: Mahal ka nga ang tanong mahal mo ba? Wag mo nang lokohin sarili mo, aminin mo na hindi ka talaga masaya

I shooked my head. I need to refresh my mind. Ilang araw na pala ang nakakalipas simula nung huli kaming nagkita at nagka-usap.

'Kamusta na kaya siya?'

Hanggang ngayon hindi matanggal sa isipon ko yung desisyon ko

'Tama nga ba talaga to?'

Sinimulan na kong ayusan ng make-up artist ko. 2 hours na lang bago ang engagement party namin. Hindi ko pa nakikita si Leo, pero kaninang umaga nagtext siyang nasa Pilipinas na daw siya. Maybe before the party starts pupuntahan niya na ko

Sa isang hotel gaganapin ang party

Natapos akong ayusan umalis na rin yung stylist ko. Isang oras pa pala bago magsimula. I still have time. May pumasok at agad akong napatinggin kung sino yun

Its Trisha...

Ang tagal din pala nung huli kaming nagkita. I missed my bestfriend

"You look beautiful!" She said habang naglalakad papalapit sakin

She's wearing a white elegant dress na above the knee

"Thank you" I said at ngumiti ng pilit

"Is there something wrong? Parang hindi ka ata masaya" Nahalata rin pala niya. Umiling lang ako sakanya at sinabing kinakabahan lang ako

Umupo siya sa kama "I heard the news. Bumalik na pala siya"

"I'll asked you a question, do you still love him?" I looked at her. She's serious

Huminga ako ng malalim bago magsalita "Wala namang nagbago bes, siya pa rin naman talaga" after I said those words biglang may luhang tumulo sa mga mata ko

Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit "Siguro kung si Key ang taong ka-engage mo hindi ganyan yang itsura mo. Baka halos pumalakpak pa yang dalawa mong tenga sa saya"

Hindi ko alam pero ayaw ng tumigil sa pagtulo ng luha ko. Wala na kong pakielam kung magulo tong make-up ko

"Ano nang plano mo ngayon?"

"I don't know. Gulong gulo na ko" Paulit ulit na lumalabas sa bibig ko "I thought my decision was right, kasi ito yung alam kong tama pero yung nararamdaman ko ngayon? Parang sinasabi sakin ng sarili ko na ang tanga tanga ko sa pinili kong decision. Parang sa pinili kong decision hindi ako masaya"

"Alam mo kasi hindi lahat ng tama nakakapag pasaya satin. Minsan kung ano pa yung mali doon tayo masaya. Pero ang tangi kong advice sayo dun ka sa desisyong masaya ka then after that tsaka mo na harapin ang consequences atleast through that you will be happy, no regrets. Dati, ayoko na siya para sayo kasi iniwan ka niya e. Kita ko yung hirap na dinanas mo at ayoko nang makita ulit kitang ganon kasi nasasaktan din ako bilang bestfriend mo. Pero ngayon na alam kong siya talaga yung taong magpapasaya sayo wala na kong magagawa, kung san masaya ang bestfriend ko doon na rin ako. I want you to be happy" Kumalas siya sa pagyakap sakin "Go, follow your heart. In the end naman puso talaga ang nasusunod sa lahat"

The Hearthrob's Secret (REVISING)Where stories live. Discover now