Epilogue

62 9 4
                                    

Epilogue








Hindi ko na alam kung saan pumunta si Justine simula noong iwan ko siya. Nagpatuloy lang ako sa pagsama sa bawat makita at hindi tumigil sa pag-inom. Jackpot, wala akong ginastos. Puro libre.

Kinuha ko ang canned beer na inaalok sa akin ng katabi kong lalaki at nakangiting binuksan iyon para inumin. Nakasandal siya sa couch, matamang pinagmamasdan ako.

"Wanna dance?" tanong niya at inginuso ang dance floor. Marami ang nagsasayaw roon na puro kababaihan din. Nakaramdam ako ng thrill kaya tumango ako. "Good."

Sabay kaming pumunta sa dance floor. Sa gitna kami pumwesto at inilagay niya agad ang kamay sa bewang ko habang ang braso ko naman ay nakapulupot sa leeg niya. Kung ano-anong sayaw ang ginawa namin. Nagkukuwento siya at ako naman ay tawang-tawa.

"What's your name, again?" tanong niya.

"Huling-huli talaga kapag babaero. Is it that hard to remember my name? Tsk. NVM." Umirap ako. "Flaire."

Bumalik na rin kami sa couch noong mapagod. Pana'y ang bili niya ng drink na ikinatuwa ko dahil ako lang din ang umiinom. Ni hindi nga niya ginagalaw kahit aling baso roon.

"Ang sakit," bulong ko habang hawak ang ulo ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Mukhang tinatamaan na ako ng alak. Ibinaba ko ang wine glass at sumandal sa couch.

The odastity, nasaan ba sina Mary?

Naramdaman ko ang hininga ng lalaki sa leeg ko. Hindi ko siya pinansin at mukhang akala nito ay wala lang sa akin kaya nagpatuloy siya. Sinimulan niyang halikan ang leeg ko habang ang kaniyang kamay ay gumagapang loob ng dress na suot ko.

"Bastos," reklamo ko at nagmulat. Itinulak ko siya palayo.

Ngumisi ito at muling inilapit ang mukha sa akin. "Let's book a room," bulong niya.

Kinurap ko ang mga mata at tiniis ang pananakit ng ulo. "No."

"Okay. Let's do it here, then." Astang hahalikan niya na naman ako pero nakita ko na lang siyang nakabulagta sa sahig at sinasapo ang panga. Tila nawala ang antok ko at napatayo. "Shit!"

Mula sa pagkakatingin sa lalaki ay iniangat ko ang tingin ko at nagulat nang makita si Andrix. Madilim sa parteng ito pero malinaw kong nakikita ang nag-aapoy niyang mga mata. Nakakuyom ang kamao nito at matalim ang tingin sa lalaki na hindi na agad makatayo.

Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay mabilis akong tumalikod para umalis. Naramdaman ko ang pagsunod niya kaya mas binilisan ko pa, minabuting dumiretso sa labas. Baka magcause lang ng gulo kung mananatili ako sa loob.

Tuloy-tuloy ang paglalakad ko sa madilim na daan. Ang buong akala ko hindi na ako masusundan ni Andrix pero nakita ko na lang ang sarili ko na hawak-hawak niya. Sinubukan kong magpumiglas pero hindi niya ako hinayaang makawala.

"Bitiwan mo nga ako!"

"Flaire!" sigaw niya kaya bahagya akong natahimik. "What's happening to you?"

Nakaramdam ako ng panghihina. Yumuko ako sa sahig, namuo ang luha at tuluyang napahikbi. Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.

"I-iwan mo na ako!" Hinila ko ang braso ko sa kaniya. "S-sabi mo huwag na akong lalapit sa 'yo, 'diba? Mas gusto mo pa 'yong ibang babae kaysa sa 'kin," humihikbing sabi ko. "Tama pala sina mama, hindi dapat ako lumalapit sa 'yo. S-sasaktan mo lang ako..."

Nakatitig lang sa akin si Andrix.

Hindi ko alam kung dahil ba sa kalasingan kaya kung ano-ano ang sinasabi ko o ito talaga ang gusto kong sabihin.

The Ghoster [Completed]Where stories live. Discover now