Chapter 11

20 6 1
                                    

Chapter 11








"SAMA KA SA AMIN, KAIN TAYO SA LABAS!" alok bigla sa akin Mary pagdating ng lunch time at aalis na sana ako. "Alam kong wala kang pera kaya sagot ko na!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Mang-aalok na lang ang bruha, kailangan pa talagang mang-insulto. Umirap ako saka tiningnan sina Jean na nasa pinto at hinihintay si Mary.

Kung hindi ako sasama sa kanila, si Justine lang din ang makakasabay ko at ayaw ko naman. Gaya nga ng sinabi ni mama kahapon ay babantayan na ako nito nang maigi. Baka nga hindi na 'yon um-attend sa practice nila para mapuntahan lang ako, sinusunod niya talaga kahit ano ang sabihin ni mama sa kaniya.

Baka naman feelingera lang ako dahil si mama talaga ang crush niya?

Ay, doplex. Mas bet ko naman si papa kaysa sa kaniya.

No! Walang makapapalit kay papa kahit si Justine pa na kaibigan ko!

"Sige, sasama-" Hindi ko na naituloy pa ang dapat kong sabihin nang matanawan si Andrix na paparating. May bitbit siyang bag at patungo sa direksiyon namin. "Hello!" Nakangiti ko agad siyang kinawayan pero tumango lang ito.

Napangiwi ako. Sungit.

Mabuti naman at nagpakita pa ito. Kaninang umaga, hindi ko na siya naabutan paalis. Hindi ko rin siya nakita simula kanina. Tingnan mo nga naman, siya pala ang kusang lalapit sa forever niya. Minsan sa buhay, need din natin magfirst move para kahit papaano, magkaroon tayo agad ng happy ending.

Gaya ni Andrix, magkakalove life na yata siya at ako 'yon. Charot.

"Ano na, Flaire? Naghihintay kami, oh! " inis na tanong ni Mary sabay turo kina Jean na mukhang nababanas na rin.

Malawak ko silang nginitian to the point na umabot iyon sa tainga ko. "Himdi na. Kayo na lang! " kahit ang boses ko ay naging masigla.

Pagkatapos umalis nina Mary ay dali-dali kong kinuha ang gamit ko at tumakbo palapit sa pinto. Saktong tumigil din si Andrix na bahagyang nginitian ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mababaw na dimple sa kanang pisngi niya. Nang tingnan ko sa kabila ay wala.

"Cute!" Dinutdot ko ang dimples niya gamit ang daliri. Ngayon ko lang ito napansin dahil madalang naman siya ngumiti. Kung sa camera naman, nakaside view siya kaya hindi pa rin kita. Though, mababaw lang iyon. Napansin ko lang dahil magkalapit kami.

"What are you doing?" Andrix chuckled as he tried catching my pointing finger. "Are you alone?"

"Bakit? Aayain mo ba ulit ako maglunch?" diretsong tanong ko.

Napangisi siya. "Are you in? My treat."

Pinalobo ko ang pisngi ko para pigilan ang pagngiti. Hindi ko man nakikita ang sarili ko, alam kong namumula ngayon ang mukha ko.

"I won't refuse."

"So, it's a yes? Pumapayag ka?"

Muntik ko na siyang mahampas. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Para ka namang manliligaw, e," kunwaring angal ko. Pinapaasa na naman ako ng hayop.

Humalakhak bigla si Andrix.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapatulala sa kaniya habang tumatawa. Mukha siyang natitrip pero nagagawa niya pa rin pagaanin ang loob ko. I didn't expect him to be this comfortable with me, hindi ko alam kung anong nangyari. Namalayan ko na lang na hindi na siya 'yong cold ex-boyfriend ko na kahit tingin ay hindi ako mabigyan. Ngayong nakatingin ako sa kaniya, sobrang saya ang nararadaman ko.

"Wala bang magseselos na fling mo? Ha?"

He licked his lower lip before smiling. "A lot, actually."

"E, bakit hindi sila ang ayain mo?"

The Ghoster [Completed]Where stories live. Discover now