Chapter 10

27 6 0
                                    

Chapter 10









"M-MA!" Napatili ako nang pagkauwi ko sa bahay ay sampal ni mama ang sumalubong sa akin.

Natumba ako sa sahig dahil sa lakas at hindi nakapagbalanse. Nabibigla akong napatingala kay mama habang sapo ang mahapdi kong pisngi. Dalawang beses kong ikinurap ang mga mata ko para pigilan ang pagbagsak ng luha. Masakit 'yon, ah...

"TALAGA BANG MATIGAS ANG ULO MO?!" tanong niya sa akin. Namumula ang mukha niya sa galit at halos mahulog na ang suot niyang salamin. Mabilis ang paghinga niya habang masamang nakatingin sa akin. Sa likod naman niya ay naroon si Justine na blangkong nakatingin sa akin. "ANO 'TO? HA?"

Iniharap niya sa akin ang cellphone na alam kong pag-aari ni Justine at ipinakita ang litrato na magkasama kami ni Andrix. Ito 'yong time na nakasiksik ako kay Andrix kanina, noong binibiro niya ako.

Pinigilan ko ang panlalaki ng mga mata ko nang lingunin si Justine. Malamig niyang sinalubong ang tingin ko. Sinumbong niya ako?

"Maharot ka talaga, Flaire, ano?!" muling pagsigaw ni mama. "Alam mo, wala namang problema sa akin 'yang pagiging malandi mo pero jusko, pumili ka naman! Doon pa talaga?!" Nanggigigil niyang itinuro ang pinto na para bang nandoon si Andrix.

Lumapit sa akin si Justine para tulungan akong tumayo pero hinawi ko ang kamay niya. Hindi naman siya nagsalita kaya tumayo na ako, na kay mama ang paningin.

"Mabuti na lang talaga at nakita kayo ni Justine at nasabi sa akin agad! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa 'yo!" Sumapo siya sa noo na halatang nagtitimpi. "Pinapapasok kita para mag-aral, hindi para humarot!"

Napalunok ako at kinagat ang nanginginig kong labi. "Wala pa pong kami..." bulong ko.

Sumalubong ang kilay ni mama at nilapitan ako. Napaatras ako sa kaba.

"Wala pa?! E, di sinasabi mong may posibilidad?! Baka naman ikaw ang may gusto ro'n at hinihintay mong ligawan ka kaya todo ang papansin mo?!"

Umiling ako. "Hindi po."

Dinuro ako ni mama. "Huli na 'to, Flaire! Kung ayaw mong ipadala kita sa lola mo, magtino ka!"

Hindi ako nagsalita dahil alam kong mas mangingibabaw pa rin naman siya at hindi ako maiintindihan. Tama si Andrix, I can't win with my mom. Dahil kahit ano ang sabihin ko,.mas paninindigan niya kung ano ang nalalaman niya. Walang saysay ang salita ko.

"Sa taas po muna ako," paalam ko matapos akong bungangaan ni mama.

Nang wala akong makuhang tugon ay tumalikod na ako at nagsimulang umakyat sa taas. Narinig ko pa ang sinabi ni mama kay Justine na simula bukas ay babantayan na ako nito at huwag hahayaang lumapit kay Andrix. Siguro nga kung mayaman lang kami, baka nakapagoffer na siya kay Andrix ng ilang milyon kapalit ng paglayo sa akin. Gaya ng mga nababasa ko sa libro.

Buti na lang talaga walang pera si mama.

"Deserve," bulong ko.

Ipinatong ko ang gamit ko sa sahig pagkapasok ko sa loob ng kwarto. Mabilis akong nagpalit ng pambahay at pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko na kanina pa yata nakacharge. Nakalimutan ko na itong dalhin kanina dahil sobrang excited pumasok.

Pabagsak along humiga sa kama. Gusto ko ng mapagkakaabalahan para mawala ang bigat sa dibdib ko. Normal naman sa akin ang pagalitan ni mama pero iba ngayon. Nakakasama ng loob.

Iwinasiwas ko ang lahat ng nasa utak ko at minabuting magbrowse na lang sa facebook. These fast few days, itong second account ko na ang palagi kong ginagamit. At isa lang naman ang dahilan noon.

The Ghoster [Completed]Where stories live. Discover now