Chapter 15

27 6 0
                                    

Chapter 15








Nagmamadali akong umuwi sa bahay.

Halos tinakbo ko lamang ito dahil wala ako sa mood para maghintay ng mga masasakyan. Wala akong pakialam kahit mainit at abutin ako ng kalahating oras. Ligtas naman akong nakarating. Marahas kong binuksan ang gate saka mabilis na pumasok sa loob.

Napatigil si kuya sa pagnguya ng kinakain niyang mansanas.

"Bakit ka bumalik? Bruha ka, may nalimutan ka 'no-"

"Si mama?"

Ibinalik niya ang tingin sa tv at ipinagpatuloy ang pagkain. "Nasa palengke, kachikahan sina marites-este mga kakumare niya," sagot nito. "Bakit?"

Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya sa sofa. Lumaylay ang balikat ko sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Parang gusto ko na lang ulit bumalik sa pagkakatulog.

"Anong nangyari?" malumanay na tanong ko.

Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin niya sa akin. Bumuntong-hininga siya. "May nangyari ba, sistiri?"

Sumandal ako sa sofa, tumitig sa kisame. "Totoo bang buntis ako?"

"HA?!"

"Bakit 'yon ang sinabi ni mama sa school? Totoo ba?" Hinatak niya bigla ang buhok ko at pinandilatan ako ng ng mga mata. Napadaing ako. "Aray ko naman, Dora! Bitiw!" Itinulak ko siya.

"Letse ka kasi! Wala man lang balak i-deny, teh? Parang pinapalabas mo na hindi malabong mangyari-"

"Charot lang, alam mo 'yon?! Alam mo kuya, doplex sa 'yo!" Umirap ako. "Pero ano bang nangyari? Tatlong araw ba akong walang malay? Ano 'yong mga sinasabi ni mama?" seryoso nang tanong ko.

Napayuko si kuya. "Sorry, Flaire. E, kasi si Justine, nagsumbong kay inang na kaya hindi ka nakasama sa amin noong hapon na 'yon, e, dahil si Andrix ang kasama mo," nahihirapang sabi niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Tangina, sumbungero talaga. "Syempre galit na galit ang inang... Kaya pumayag siya sa suggest plans ni Justine. May nilagay siya sa inumin mo kaya nawalan ka ng malay."

Napatingala si kuya habang nakakunot ang noo, mukhang inaalala pa ang nangyari.

"Hindi ko alam kung ano 'yong inilagay nila dahil hindi nila ako sinali, pero baka drugs. Nagulat nga ako at ilang araw kang walang malay-akala ko patay ka na-"

"Sira!" inis na sabi ko.

"You can't blame me, typhoon!" maarteng depensa niya. "Saka, sister, huwag kang magagalit kay, inang, ha?"

Napatingin ako sa kaniya, nagpipigil na ilabas ang emosyon ko. "Drugs 'yon, kuya... Anak niya ako, paano siya pumayag na gawin ni Justine 'yon?"

Napansin ko ang paglunok niya. "G-ginawa lang naman 'yon ni inang para layuan ka na ni Andrix, Flaire. Kaya habang wala kang malay, ipinagkalat niya na nabuntis ka ni Flaire at kaya hindi ka pumapasok ay dahil nag-stay ka muna sa bahay nina Justine para napagplanuhan ang kasal niyo..." Saglit siyang tumigil. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang nakikinig sa kaniya. "A-ayon na nga... Alam mo naman si mama, achiever 'yan sa pagiging chismosa. 'Iyon din ang sinabi niyang excuse sa teacher mo pagpunta niya sa school..."

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at ikinurap iyon para huwag nang tumulo. Ang bigat ng pakiramdam ko... Siguro, noong sinabi iyon ni mama, sinadya niyang iparinig sa lahat kaya ganoon na lang kabilis ang pagkalat. Hindi ko na alam kung bakit ako nasasaktan ngayon, dahil ba kay Andrix o dahil sa mga ginagawa ni mama.

Desperada talaga siya na mapalayo ako kay Andrix to the point na nakakasama na sa akin.

Anak niya ako pero paano niya nakakayang gawin 'yon? I'm just a teenager, ano na lang ang iisipin ng iba? Bababa ang tingin nila sa akin. Bustis, really? Iyon pa talaga? The odastity.

The Ghoster [Completed]Where stories live. Discover now