Chapter 13

21 5 0
                                    

Chapter 13







Hindi ko alam kung kailan o paano pero habang tumatagal ay nagiging kumportable na kami ni Andrix sa isa't isa. I am comfortable with him naman pero may something na kakaiba to the point that I can't even describe what it is.

Bumalik kami sa dati pero ang pinagkaiba lang ay magkasama na kami, hindi sa phone na nakasanayan namin noon. Naalala ko pa ngang ubos lagi ang pera ko dahil sa pagpapaload palagi. Pero ngayon, sisilip lang ako sa bintana at makikita ko na siya.

Iyon lang, may limitasyon. Walang alam si mama tuwing palihim akong nakikipagkita kay Andrix.

Nakikipagkita...

There's nothing wrong with that. We're just friends. Ang mali lang ay ang nararamdaman ko na puro pag-asa araw-araw.

Huminga ako nang malalim at humigop sa hawak kong ice tea. Nakaindian sit ako sa damuhan habang nanonood sa mga naglalaro ng volleyball sa gitna. Mag-isa lang ako, hindi ko na inasahang sasamahan ako ni Mary dahil busy iyon sa cellphone.

Tsk, kaibigan ko ba siya? Parang palagi siyang madamot, ah.

Speaking of friend, mabuti na lang at bumalik na si Justine sa paglalaro ng chess kaya naging busy na ulit ito. Hindi naman kasi ako papayag na ako lang ang inaagrabyado kaya isinumbong ko rin siya kay mama. Sinabi kong dahil sa pagbabantay sa akin ni Justine, nadamay pati ang paborito nitong sport. Naawa naman si mama kaya pinilit ulit itong bumalik.

At si Justine bilang si Justine, hindi pa pumayag noong una. Mabuti na lang mataray si mama kaya tinakot niya itong hindi na hahayaang lumapit sa akin 'pag hindi siya bumalik. Buti nga.

"Damn, tiring day." Napalingon ako sa tabi ko nang may lalaking naupo. Hinihingal si Andrix na halatang pagod na pagod, tumutulo ang pawis sa gilid ng noo niya. "Hi," bati niya sa akin at uminom ng tubig. Inihagis niya ang plastic bottle pagkaubos, na agad namang nag-shoot sa basurahan.

"Saan ka galing?" tanong ko.

He took the distance between us and moved closer to me, leaning his head on my shoulder. Lumayo ako agad kaya muntikan na siyang matumba. Nagsimula akong tumawa nang makita ang pagsama ng mukha niya.

"May pawis ka, nababasa 'yong uniform ko," kunwaring nandidiri na sabi ko. Kahit ang totoo, talagang nahihiya lang ako sa kaniya. Wala akong perfume na inilagay at baka ma-turn off siy sa akin. Saka kung pawis niya naman ang pag-uusapan, why not? Ang bango kaya.

"You're being artful" sabi niya na tinaasan pa ako ng isang kilay. Hilig niya talaga 'tong pagtaas-taas ng kilay, hindi ba nakakabakla 'yon? "Anyway, galing ako sa gymnasium. We played basketball. Hmm.. I saw your guy, there."

"Talaga? Okay."

"You won't deny it?"

Tiningnan ko siya. "Alin?" Hindi siya sumagot kaya napahinga ako nang malalim. "Bakit ka pala nandito? Wala ka bang chicks for today?"

Umiwas ako ng tingin pagkasabi ko noon. Humalumbaba ako sa tuhod kong iniangat ko para yakapin. Naramdaman ko ang paglipat ng tingin sa akin ni Andrix. Hays, kailan ba titigil sa pagiging babaero ang lalaki na ito?

Hindi pa rin siya nagbabago.

Sa mata ng iba, isa siyang red flag dahil sa pag-uugali niya. Pero para sa akin, e 'di red flag pa rin! Ano namang pinagkaiba no'n.

"Wala," sagot ni Andrix.

Tiningnan ko siya ng may pagdududa sa mga mata, hindi naniniwala. "Maniwala bingot."

Kumunot ang noo niya sa 'kin. "Seriously, Flaire? Is that how you see me as a person?" iritang tanong niya.

Tumawa ako nang malakas. "Bagong buhay? Gano'n?"

The Ghoster [Completed]Where stories live. Discover now