Chapter 6

36 6 0
                                    

Chapter 6






“HINDI AKO SASAMA,” tanggi ni Mary nang ayain ko siyang samahan ako para puntahan si Justine sa gymnasium. May practice na naman sila at ang usapan ay hihintayin ko siya roon. Kahit naman nagtatampo ako ro’n, hindi ko pa rin siya matitiis.

“Treat ko na ang lunch mo!” pagkumbinsi ko pa.

Doon siya napatingin sa akin. “Ulam?”

“Hotdog?” Wala na akong pera. Kasiya na naman siguro para sa ulam niya ang ten pesos na hotdog. “Samahan mo na ako! Wala akong makakausap do’n, eh.”

“Ah, gano’n? Ganiyan ka naman, Flaire. Tapos kapag hindi mo na ako kailangan, iiwan mo na ako,” mataray na sabi niya. Lumaylay ang balikat ko. “Ayaw ko, sasama ako kina Jean. Mag-s-shopping kami! Ikaw na lang ang ililibre ko.”

Sa huli ay hindi ko rin napilit si Mary na samahan ako. Mag-isa tuloy akong naglakad papunta sa gymnasium, bitbit ang binalot na lunch namin ni Justine. Natanaw ko siya agad na nakikipaglaro. Napalingon sila sa akin nang makapasok ako.

As usual, malawak akong ngumiti para magmaganda. Nagiging famous na talaga ako.

“TIN-TIN BESTIEE KOOO!” tili ko at paglundag-lundag na kumaway sa kaniya. Nagpalobo siya ng bibig na parang matatawa, napatigil sa pakikipaglaro. “Ganda ng entrance ko, ‘no? Nanood ako ng movie kagabi.”

Napakamot siya sa batok. “Hindi pa kami tapos, eh. Nood ka muna?”

“Sige!

Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama niya. Hindi ko sila namumukhaan dahil wala naman akong pakialam kapag may nakakasalubong na estudyante. Sa isa lang naman naka-focus ang atensiyon ko... at iyon ay sa pagmamahal ko kay Andrix.

Natawa ako kaya nawiwirduhan silang tumingin sa akin. Ngumiti lang ako.

Dumapo ang tingin ko sa isang pamilyar na babae. May isa pala akong namukhaan. Si Kelsey. Ang isa mga not-so-chakang girls ni Andrix. Nakasuot lang siya ng fitted green sando kaya bakat na bakat ang kaloob-looban niya, maging sa pambaba ay tanging cycling lang.

Bakit naging ex 'to ni love? Mas sexy naman ako.

And speaking of my only love, nakita ko siyang pumasok ng gymnasium. Pinigilan kong magulat dahil nakatingin sa akin si Justine at parang inuusisa kung ano ang magiging reaksiyon ko.

Pinanood kong igala ni Andrix ang paningin sa buong gymnasium. Nang magtama ang mga mata namin ay umangat ang sulok ng labi niya bago naglakad palapit. May pagkamessy ang buhok niya ngayon na parang sumuong sa sobrang lakas na hanging—‘yong tipong kasinglakas ng nararamdaman ko para sa kaniya.

Pumula ang pisngi ko nang tumigil siya sa harap ko. Mag-p-propose na ba siya para sa kasal naming dalawa? Surprise ba ito?

Oh, my god! Ekis! No way! High way.

Napatingin ako kay Justine nang maramdaman ang titig niya, bahagyang nakakunot ang noo nito at mukhang naiinis. Kinurap ko ang mga mata ko. Hindi naman ako kinikilig. Bintangerong assumero! Kaya hindi ka minamahal pabalik, eh.

“HONEY KO!” Nalipat ang atensiyon namin kay Kelsey nang bigla siyang tumili. Patakbo niyang hinatak si Andrix at nanggigigil na niyakap ito.

Napasimangot ako.

Mula sa pagkakatingin sa akin ni Andrix, lumipat iyon kay Kelsey na nagmistulang palaka dahil sa pagkakayakap sa kaniya. Kumuyom ang kamao ko sa inis. Nanggigigil din ako. Gusto kong manambunot ng Kelsey ang pangalan at kulamin lahat ng lalaking Andrix amg pangalan.

The Ghoster [Completed]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें