Chapter 2

44 10 3
                                    

Chapter 2








“SA SCHOOL KO SIYA MAG-AARAL?!” bulalas na tanong ko nang makita ang gagong lalaki sa labas ng bahay ni Aling Didit at handa nang sumakay sa kaniyang kotse.

Nakasilip ako sa bintana ng kwarto at kakatapos lang magbihis. Balak ko na ring pumasok nang mas maaga. Seryoso ba ang Andrix na ‘to? Neighbors na nga kami, schoolmate pa. Mukha siyang nananadya pero hindi naman niya ako makilala.

Inubos ko muna ang sandwich na kanina ko pang kinakain habang masamang nakatingin kay Andrix. Kinuha ko ang plastic bottle na ininuman ko kagabi at pilyang ibinato iyon sa direksiyon niya.

“Aray ko! Ano ‘yon?!" biglang sumigaw si mama.

Wala nang laman ang plastic bottle na binato ko kaya hinangin iyon sa ibang direksiyon at sa halip na kay Andrix ay ulo ni mama ang tinamaan. Napatakip agad ako ng bibig, nagpeace sign sa masamang tingin kay mama.

Nang sulyapan ko si Andrix ay halos mapaatras ako nang mahuling nakatingala na siya sa akin. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Huh! Anong tinitingin mo riyan?!

Kumunot lang ang noo niya at napailing. Pumasok na siya sa sasakyan niya. Sa isang iglap ay humarurot ang kotse niya palayo.

Tsk, ang bilis no’n, ah.

Sinundo ako ni Justine rito sa bahay dahil sabay kaming papasok. Naghihintay na pala siya sa baba kanina pa. Normal naman na palagi siyang naghihintay kaya nagkibit-balikat na lang ako. Sumakay kami ng jeep pagkarating sa kanto.

Hindi kami nakarating agad sa school dahil bukod sa traffic, may dinaanan pa si Justine sa isang subdivision. Pinadala iyon ng mama niya dahil nagpapaorder sila ng kakanin.

“Ang gwapo ‘no?”

“Sinabi mo pa. Kung wala akong boyfriend baka pinatulan ko na ‘yon.”

Habang naglalakad kami papasok ay sari-saring chismisan ang naririnig ko. May pinag-uusapan silang gwapo. GWAPO. Hindi ko alam kung ano ang mayroon, pero marami namang gwapo rito sa school. Minsan hindi lang napapansin kasi nanahimik sa mga gilid. Kaya kung maghahanap ako ng crush, doon ako tumitingin sa mga pinakasulok. Mahanap ko lang si the one.

“Oh, pa’no? Kita kits!” nakangiting sabi sa akin ni Justine pagkatapat ko sa classroom ko.

Ngumiti ako at tumango. “Sige, libre later." Tumawa ako saka kinawayan siya.

Pagkapasok ko sa room ay naupo ako sa tabi ni Mary. Ngumiti agad siya sa akin at isinandal ang ulo sa balikat ko na parang kinikilig. Kahit ang iba kong kaklase ay may kaniya-kaniya ring kwento sa buhay. Umagang-umaga puro chika.

Habang ako, gigising na lang, masama pa ang loob.

“May transferee daw sa kabilang section,” bulong sa akin ni Mary. “Sa pangalawang room sa tabi natin, ‘yong section di-ipinaglaban.”

Tamad akong sumandal sa upuan. “Anong gagawin ko?”

“Hindi ko alam, pero sure akong meron kasi maharot ka.” Inirapan niya ako. “Alam ko pangalan niya. Gusto mo?”

Bahagya akong napatitig sa kaniya. Gwapo raw, eh. Pangalan lang naman so why not?

“Sige, anong pangalan?” nagtunog excited ang pagkakasabi ko noon kaya humalakhak si Mary. Kinuha niya ang phone niya at ipinakita sa akin.

“Regular 50 will do.”

Baliw.

Tinanggihan ko siya dahil kahit ako rin naman ay walang load. Napakakupal talaga ng babaeng ito. Mukha siyang load. Hindi pa ako nasanay, kahit simpleng bagay lang ang itinatanong ko, iyon lagi ang isinasagot niya. Mukhang nasanay nga ang gaga dahil no’ng nagtanong si Ma’am para sa performance, iyon ang isinagot niya. Nagalit tuloy.

The Ghoster [Completed]Where stories live. Discover now