Chapter 8

33 5 0
                                    


Chapter 8












"Ano ba ang mas maganda? Pink or yellow?" bulong na tanong ko sa sarili habang hawak ang dalawang hair clip.

Halos ilang minuto na ang lumipas simula nang matapos ako sa pagligo. At ngayon, ito naman ang pinoproblema ko. Doplex! Nababahala ako dahil baka hindi bagay sa akin kapag isinuot ko ito. Paano na maiinlove sa akin ang only love ko?

Hindi katanggap tanggap na gusto niya ako maging kaibigan lang! The odastity, hindi talaga!

"Mas bagay sa 'yo ang pink." Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni papa. Pumasok siya ng kwarto ko. "Nagdadalaga na ang anak ko, ah," biro niya.

Gaya ko, fresh na fresh din ang hitsura ni papa. Bagong ligo siya at mukhang paalis na din patungo sa trabaho. Nginisihan ko si papa.

"Talaga, Pa? Nagdadalaga na ako?"

Humalakhak siya. "Aba, oo naman. College ka na next school year." Ginulo niya ang basa kong buhok kaya nakasimangot ko siyang nilayuan. "18 ka na next next month. May gusto ka bang regalo?"

Nagliwanag ang mukha ko. Ito talaga ang pinakahihintay ko, eh. Ang magtanong ng regalo si papa. Wala nang pakipot! Iphone agad!

"Ahm..." Napaisip ako kaya lalo siyang natawa. Ganito talaga 'to si papa, mas vibes kami kaysa kay mama na segu-segundo yata ay high blood. Kakausipin niya nga lang yata ako nang matino kung may masasagap siyang chismis mula sa akin. "Wala pala along maisip, Pa. Kaya mo na 'yan! Marami sa mall!

Saka isa lang naman ang gusto kong makuha sa birthday ko, eh. At ang forever ko iyon na walang iba kundi si Andrix Elyazer! Ang nag-iisang lalaki na hirap akong maabot.

Hindi ko maiwasang mapaisip. Sa dami ng naging girlfriend niya... may taste ba siya sa pagpili ng babae?

Bakit ako hindi napili?

Sabay kaming bumaba ng sala ni papa. Nagpaalam na siyang umalis at ako naman ay pumunta ng kusina para kumain. Magkasabay kami ni kuya. Hindi naman ako nagtagal dahil sinadya kong bilisan. Ito ang unang beses na maeexcite ako sa pagpasok ng school. Oh, god!

Ano ba, Flaire?! You were too obvious! Akala mo naman, gusto ka rin niya makita.

Pero friends na raw kami. Dapat sabay kaming maglunch palagi, aayain ko na rin si Justine.

"Kung ang anak ko ang ipinunta mo, wala kang aasahan. Umalis ka rito, nandidilim ang paningin ko sa 'yo!" Wala pa man ako sa pinto ay narinig ko na ang naiiritang sigaw ni mama. "Hindi ko pinapayagan ang anak ko na lumapit sa 'yo tapos susunduin mo?! Anak ka ng kagang, alis!"

Dahil sa pagtataka ay dali-dali akong lumabas ng bahay. Masama ang kutob ko sa kung sino ang kausap ni mama sa labas. May hint na ako.

"I just want to bring her with me," wala mang emosyon, may bahid pa rin ng respeto ang paraan ng pagsasalita ni Andrix. Nakasuot na siya ng uniporme at handa nang pumasok. May nakasukbit na itim na bag sa kaniyang kanang balikat.

Parang naglundagan na naman ang puso ko. Sinusundo niya ako? Hindi ba gawain ito ng isang manliligaw?

Oh, my! Yes, agad!

"Good Morning, Andrix!" nakangiting bati ko sa kaniya. Tumingin ako kay mama at nakita ang pamumula ng mukha sa galit. Nawala tuloy ang ngiti ko at napalitan ng awkward na ngiwi. "H-hi, Ma!"

"Flaire, ano ba?!" Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinila ako papunta sa likuran niya. Masamang tingin ang iginawad niya kay Andrix. "Ano pang hinihintay mo riyan? Umalis ka na! Hindi ako papayag na isabay mo ang anak ko! Baka kung ano pa ang isipin ng ibang tao-nakakadiri! Tingnan mo nga ang hitsura mo. Gwapo ka nga, patapon naman. Wala kang magandang idudulot sa anak ko!"

The Ghoster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon