Chapter 14

21 6 0
                                    

Chapter 14






"BAKIT NGAYON KA LANG, ABER?"

Iyan ang bungad sa akin ni mama pagbasok ko sa bahay. Nakapamewang siya sa akin habang sina kuya at papa ay nakaupo sa sofa, kumakain ng pansit.

Hindi ko na masiyadong na-explain kay Andrix ang dahilan kung bakit nagmamadali akong umalis kanina. Sinabi ko na lang sa kaniya na inaantok na ako at baka dumating na rin sina mama. Ayaw ko naman sabihin na kina Justine ako pupunta dahil baka kung ano ang isipin niya. Lalo at gabi na.

Ewan ko, assuming lang talaga ako.

"May ginawa pa po kasi kaming project-"

"Hay, nako! Hindi ka na umabot doon sa bahay ni Justine! Hihintayin ka sana namin kaso ang tagal mo," dismayadong sabi niya. "Hindi na kami nagtake out."

Hindi raw, pero may pansit.

"Marami po bang tao ro'n kanina?" tanong ko.

Umiling si kuya. "Kaming tatlo lang ang pumunta, tayong tatlo lang pala ang invited. Saka anong expected mo? Maraming tao? Hindi naman birthday-an 'yon, bruha ka," maarteng sagot niya kasabay ng pagsubo sa ice cream.

"Pang-pamilya 'ata, exam lang naman 'yon."

Tumango na ako sa kanila saka itinabi sa kwarto ang gamit ko. Hindi na ako nagpalit, isinuot ko lang ang itim kong hoodie at umalis na. Nagpaalam ako kina mama at pumayag naman sila. Kampante talaga sila kapag si Justine ang kasama ko.

Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa bahay ng kaibigan ko. Hindi iyon kalayuan kaya tuwing magsasabay kami ng pagpasok sa umaga, madali niya akong napupuntahan. Wala pang isandaang hakbang.

"Gabi na, Flaire. Mabuti at may handa pa sa loob." Napatigil si nanay Tisay sa pagsasara ng pinto nang makita akong dumating. Siya ang ina ni Justine. "Halika, pasok ka! Nandoon si Justine sa kusina."

Ngumiti ako at pumasok sa loob. Nagpaalam siyang may aasikasuhin lang sa taas kaya mag-isa akong pumunta sa kusina. Mabagal lang ang paglalakad ko dahilan para hindi iyon gumagawa ng tunog.

Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko agad si Justine. Walang gana siyang nakasandal sa upuan at tulala sa hawak niyang cellphone. Pana'y ito sa pagbuntong hininga.

"H-hi?" kinakabahan bati ko at tuluyang pumasok, pilit ko siyang nginitian. "Sorry-"

"Dumating ka pa pala," matabang na sabi niya. Napayuko ako kaya tumawa siya. "Joke. Come here, sit with me." Itinuro niya ang upuan sa tabi niya.

"Salamat," mahinang sabi ko at umupo roon. Hindi ko magawang makatingin sa kaniya dahil hiyang-hiya ako. Masiyadong na-focus ang atensiyon ko kay Andrix kaya maging ang pagpunta ko rito ay nakalimutan ko. Sobra tuloy akong na-g-guilty at palihim na pinapagalitan ang sarili.

"Anong gusto mo? May banana cake rito, spaghetti, ice cream-"

"Busog ako-" Natigilan ako nang makita ang pagbabago ng ekspresiyon ni Justine. "Charot! Pwedeng lahat?"

Nakahinga siya nang maluwag at ginulo ang buhok ko. "Matakaw ka nga pala, sure."

Tumayo siya at nagsimula akong ipaghanda ng pagkain.

Pakiramdam ko ay maiiyak ako. Sobrang busog na ako dahil nagpadamihan kami ng maubos na pagkain ni Andrix. Parang sasabog na ang bituka ko sa sobrang dami ng laman. Pero ayaw ko naman tanggihan si Justine dahil hindi na nga ako nakarating kanina, pati ang alok niyang pagkain ay aayawan ko. Baka magkaroon pa siya ng sama ng loob sa akin.

Mabilis pa naman magalit 'to...

Kaya kahit busog na ako, pinilit ko pa ring ubusin ang ibinigay sa akin ni Justine. Isang plato ng spaghetti, isang buong cake at isang tasa ng ice cream. Tinanggihan ko na ang biko na ibibigay niya sana sa akin dahil masiyadong marami. Parang masusuka na ako.

The Ghoster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon