Prologue

104 16 19
                                    

Prologue:








"MAGBAYAD KAYO NG UTANG NIYO!"

Mula rito sa loob ng aking kwarto ay rinig na rinig ko na naman ang sigaw ni Aling Didit, paniguradong naniningil ito ng mga kapitbahay namin na hindi pa nagbabayad at kasama na kami ro'n.

"MAGDADALAWANG BUWAN NA, PURO KAYO PA-EXTEND!" sigaw na naman niya. "WALA BA KAYONG BALAK MAGBAYAD?!"

Tumayo ako kaagad sa kamang kinahihigaan ko at mabilis isinara ang bintana para hindi marinig ang kaniyang sigaw. Tunay na napakalakas talaga ng boses ni Aling Didit, pakiramdam ko ay mag-c-cause na siya ng lindol kapag nagpatuloy siya buong araw.

Tumalon ako padapa sa kama ko.

Speaking of extend, sana hindi lang utang ang binibigyan ng palugit.

Gamit ang nanggigigil kong mga daliri, inis kong pinindot ang screen ng cellphone ko. Kanina pa akong online sa facebook at naghihintay sa chat niya. Ang boyfriend ko na nakilala ko sa internet at halos magdadalawang buwan ko nang karelasyon.

Nagkataon lang na... Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam! Nagsisimula na akong mag-overthink. Busy ba siya? Or may iba nang ka-internet love?

May bago?

No way!

Ito na ba ang tinatawag nilang ghosted? Hindi ko akalain mas masakit pa pala ito sa sampal ni mama. Pakiramdam ko ay natapakan ang mataas pa sa 90th floor building kong pride. Agh! The odastity!

Ekis, sa 'yo, mahal ko.

Ginulo ko ang buhok ko sa pagkairita. Nagpagilong-gilong ako sa kama at kung mayaman lang ako, kanina ko pang naibato ang cellphone ko sa pader!

He told me that he will just take a bath, at mukhang marami na yata talaga siyang libag sa katawan dahil magtatatlong araw na ay hindi pa rin siya nagrereply sa huling chat ko!

Nagpakawala ako ng buntong hininga. I started to type a new message again.

Flaire Oliveros:

BuHa¥ k@ p@ b m@hAlq?

Parang may kumislap sa mga mata ko nang makitang mula sa 'active 2 days ago' ay naging 'active now' ang status niya. Mabilis siyang nagseen sa chat ko. Malawak akong napangiti at ipinatong ang cellphone ko sa kama saka humalumbaba.

He started to type of message.

Pinanood ko kung paano umalon ang tatlong tuldok katabi ng profile picture niya.

Wala pa siyang sinasabi pero kinikilig na ako!

Normal lang naman mainlove sa lalaking nakilala ko lang sa internet, 'diba? Ni hindi ko nga alam kung pinayagan ko bang manligaw ito, sinagot ko na yata siya agad pagkatapos niya ako tanungin kung pwedeng maging kami.

Ano ba 'yan, mahal kita pero bakit ang tagal mo naman magreply?

Siguro nag-iisip siya ng idadahilan sa akin kung bakit muntik niya na akong ma-ghost. Babanat na naman siguro 'to. Pero hindi! Nagtatampo ako! Kailangan niya akong suyuin ng tatlong araw din! Lechon lang ang walang ganti.

"THE ODASTITY!" napatili ako nang makalipas ang ilang minuto ay nagkulay white ang conversation namin. Nanlalaki ang mga mata ko at parang masisiraan ako ng bait.

My lips parted as I read the last sentence I could ever see.

You can't reply to this conversation.

Gago, gago, gago! Did he just blocked me?!

Anong nagawa ko?!

Paano na ang love story naming dalawa?!

The Ghoster [Completed]Where stories live. Discover now