Challenge # 6

114K 4.2K 625
                                    

Have courage and be kind.

Ilang beses kong narinig sa nanay ni Cinderella ang mga katagang iyon at sa ngayon iyon ang gusto kong sabihin kay Azul sa pagmulat ng mga mata niya. Alam ko kasi na tulad ng lahat ng tao sa paligid niya ay magbabago ang buhay niya at mabibigla siya.

Masyadong naging mabilis ang pangyayari sa araw na ito at oo, napatunayan ko na hindi sapat ang isang oras para sa surprise events sa buhay ko. Uulitin ko na naman ang schedule ko at iyon ang iniisip kong gawin habang hinihintay ko siya pero hindi ko magawa. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko ng tensyon nang nangyaring rebelasyon kanina. It was shocking as fuck, naramdaman kong nanginig ang mga pata ko.

Huminga ako nang malalim. Nakadama ako nang pagkauhaw kaya tumayo ako. Narealize ko na wala palang tubig sa silid ni Azul kaya lumabas pa ako para bumili sana ngunit natigilan ako nang pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko ang tropa ni Azul at si Arru na kausap ang boss kong si Hades Vejar at Hera Consunji. Seryoso yata ang pinag-uusapan nila at alam kong wala akong karapatang makinig dahil hindi naman ako kabilang sa grupong ito pero nang marinig ko ang pangalan ni Azul ay naing interesado ako. Ayon sa naririnig ko, gusto nilang makausap si Azul to verify if what Arruba told them was true. Tumikhim ako. Napatingin sa akin ang lahat. May luha sa mga mata ni Arruba at tila ba nakikiusap.

"Mawalang galang na po. Alam kong hindi ako kabilang sa grupo na ito at alam kong walang kwenta ang opinyon ko pero bakit hindi ninyo muna siya hayaan? Sa oras na magising siya, ibang sitwasyon na ang haharapin ni Azul. Ayaw niya man pero haharapin niya ang isang napakalaking pagbabago sa buhay niya, ibang tao na siya. Masyadong malaking adjustment ang kailangan niyang gawin. Hindi naman siya hayop na pwede ninyong saktan at kapag may nangyari ay pupulutin ninyo siya. Tao si Azul. May damdamin siya. Nasasaktan siya. Let's spare him the pain even for a while."

Lahat sila ay tila natigilan sa sinasabi ko. Nakalimutan ko ang pagkauhaw at bumalik sa loob para tingnan si Simoun. Tulog na tulog pa rin siya. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng kung ano para sa kanya pero sigurado naman ako na hindi iyon awa. Parang naiintindihan ko na kasi siya sa ngayon. Iyong mga bagay na ipinakikita niya --- his grins, his evilness --- lahat iyon panlabas lang. Hindi siya malakas. Deep inside him he's a lost child. Napaluha ako. Parang nakikita ko sa kanya ang sarili kong nawawala noong akala kong magbabago ang buhay ko dahil sa pagkamatay ng Uncle ko.

Hinaplos ko ang noo ni Azul. Iniisip ko kung ano kayang magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya na nalaman na ng lahat ang kanyang serketo? It would be very hard for him, I'm sure of that.

"What you did out there is noble." Nanigas ang liko ko nang marinig ko ang boses ng isang babae. "Pero wala ka sa lugar dahil hindi ka naman kabilang sa pamilya ko o kahit sa grupo ng taong iyan." Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang babaeng iyon - si Hera Vejar. Huminga ako nang napakalalim at hinarap siya.

"Bakit po hindi ninyo try mag-kape para naman po kilabutan naman po kayo sa mga pinagagagawa ninyo." Kalmado ako pero mariin ang mga sinasabi ko. Hindi agad siya nakahuma. Tumayo siya nang tuwid at hinarap ako. She crossed her arms and started at me eye to eye.

"Baka nakakalimutan mo kung saang kompanya ka nagtatrabaho at kung ano ka lang doon."

"Siguro nga wala akong katungkulan pero hindi ako tulad mo na walang konsensya at nakakayang manakit ng tao - lalo na ng sariling kapatid. Kotang-kota na kayo sa pagka-bitch. Bakit? Nasisiyahan ka pa kapag nakakakita ka ng taong nasasaktan dahil sa'yo? Ano bang gusto mo?" Umigkas ang kamay niya pero nasangga ko iyon. Umiling ako. Walang kahit na sino ang pwedeng manakit sa akin. Kahit sino pa ang kaharap ko, kahit na ang presidente pa iyon hindi nila ako pwedeng saktan.

"Tao ka lang din." Wika ko pa. "Pare-pareho tayong nilikha ng Diyos. Wala kang karapatang manakit. Being rich and famous doesn't give you the right to hurt other people. If that is how you perceive life, then something is wrong with your brain, Mrs. Vejar."

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon