Chapter Thirteen: "Mahal Pa Rin Kita"

90 6 0
                                    

*Jace's POV*



Think, Jace, think! Paano ka ba makakatakas dito? Tatlong araw ka na dito at wala ka pang balita sa asawa mo. You need to find her!

Hinayaan ko muna magpahinga ang katawan ko. Kakasubok ko makawala ay namamaga na ang mga kamay at paa ko. I need some more time to think. A few hours later it was already lunch time. There was a digital clock on the wall which read 12:19 pm. Nasa labas pa panigurado sina Tanner kasi ala una pa sila bumabalik kaya makakatakas ako kung bibilisan ko.

I closed my eyes and took a deep breath. May naisip ako na plano pero alam kong magiging masakit ito. I can do this. I know I can. Do this for the sake of your wife and child.

One... Two... Three!

Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakatali. I heard a couple of my bones crack and I moaned in deep pain. My hand felt like it was burning on hot lava. But after a few more pulls, I managed to remove my left hand.

Ginamit ko ang kaliwa kong kamay upang tanggalin ko ang tali sa kanan. 'Di ko na halos magalaw yung kaliwa kong kamay dahil sa sakit pero nakayanan ko.

Tumignin ako sa paa ko at iba ang pagkakatali sa mga ito.

Tumingin ako sa paligid ko trying to find something and that was when I saw a pair of scissors. 'Yan yung gunting na ginamit kanina ni Tanner para sa pagbukas ng pagkain ko.

Nakalagay ito sa maliit na wooden na cabinet malapit sa paanan ng kama ko.

I got up but immediately collapsed again. I was weak from not moving plus my back and head still hurt.

I slowly pushed myself to sit up straight and when I finally did, inabot ko ang gunting at nagsimulang gupitin at hima-hiwain ang lubid. Inilapag ko na ang Malaya kong paa sa sahig at huminga nang malalim. Sinubukan kong tumayo pero bumagsak lang ako.

Dahan-dahan akong gumapang papunta sa pintuan at doon ko nakita ang baseball bat ni Tanner. Kinuha ko ito at ginamit bilang tungkod. I held the doorknob and tried turning it but it was locked from the outside.

I took a deep breath and mentally prepared myself for the pain. Ibinuhat ko ang mabigat na baseball bat at napaluha sa sakit ng buong katawan ko.

Inisip ko si Kendra. Inisip ko ang magiging anak ko. Inisip ko ang mga kaibigan ko.

Bigla kong ibinagsak ang baseball bat sa doorknob pero nakasara pa rin ito. Iniangat ko ulit ang bat at ibinagsak ulit. Medyo lumuwag na ito pero kulang pa.

I lift the bat again and repeatedly tried breaking the doorknob.

Pakiramdam ko'y parang mamatay na ako dahil sa sakit ng buong katawan ko. I could feel the blood rush to my head. I'm having a migraine but I needed to get out.

I took one last swing and the door knob fell off. Basag na rin ang pintuan kaya kusa nang nahulog ang natitirang parte ng doorknob. Binitawan ko ang pamalo at naglabas ng malalim na hininga. Relief rushed through me pero bigla akong natauhan na kailangan kong kumilos ng mabilis.

Bumalik ako sa kama at kinuha ang gunting na ginamit ko kanina. Lumabas na ako sa kuwarto at ang bungad sakin ay isang hallway na may tatlong kawrto sa kanan at dalawa sa kaliwa. Galing ako sa dulong kuwarto at bigla akong napasigaw. "Kendra! Nasaan ka?!"

Pumunta ako sa sumunod na kuwarto at sinubukang buksan ito ngunit nakalock ito. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto at nakinig.

Katahimikan. Tanging katahimikan lang ang naroon.

Unwanted Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now