Chapter Two: The Note

352 5 0
                                    


*Jace's POV*


Two years have passed ever since the wedding. Two years have passed since I realized I was the biggest coward of the century. I knew what I did was extremely wrong. I shouldn't have done any of everything that I've done.

Nagsisisi ako dahil dapat sinabi ko na agad sa kanya yung totoong nararamdaman ko at hindi ko na dapat ipinaghintay hanggang sa araw ng kasal namin. Habang buhay kong dadalhin ang burden na iyon kahit na alam kong pinatawad na ako ni Luna. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. I felt like I wasn't myself.

But right now, okay na kaming parehas ni Luna. We talked about it and humingi ako ng pasensya sakanya. I did everything I could to make up for the disaster I caused. Fortunately, kasal na si Luna sa isang napakabait na lalake na si Tanner. Tuwing naaalala ko kung paano sila nagkakilala napapangiti ako. Kasi unexpected sila nagkakilala hanggang sa nagkagusto sila sa isa't-isa at nagpakasal.

Masaya ako na hindi na siya galit at napatawad n'ya na kami even though we didn't deserve it. And I am even happier that she found someone who truly loves her.

Masaya pa rin kaming nagsasama ni Kendra. She is two months pregnant with our first child and the news made me the happiest man alive after almost six months of trying.

We got married ten months ago in a beach wedding in Hawaii.

We are currently fixing and cleaning the house kasi bukas dadating ang mga pamilya namin. Mag-aanounce na kami tungkol sa pagbubuntis ni Kendra at balak namin bumalik sa States para doon na manganak si Kendra para doon na kami magpapatuloy sa aming bagong buhay.

Nakapagplano na kami ni Kendra para sa darating na mga taon. May ipon na kami para sa panganganak ni Kendra at para sa kagamitan ng magiging anak namin. May pera na rin kaming nakatabi para sa paglipat namin sa States. At kahit mayaman na talaga kami ay maganda parin yung may ipon.

Currently, inaayos ko ang upuan na tanggalan ng paa habang si Kei naman ay naglilinis sa sala.

ikinabit ko ang huling screw na ikakabit at niligpit ang kaunting kalat na ginawa ko. Taumayo na ako and sinubukan ang upuan. I smiled and put the chair back under the table.

Nilagay ko na ang mga tools ko sa toolbox ko at ibinalik sa garahe.

I walked back to the living room and helped Kei with other things that needed to be done. Nag-aayos s'ya ng mga picture frames at ng mga furniture kaya hinubaran ko nalang ng punda ang aming sofa. Pumunta ako sa stockroom para kumuha ng bagong punda. Pinili ko ang kulay crema na punda at bumalik sa sala.

Inayos ko na ang sofa at nagsimulang magwalis. Habang naglilinis ay may nakita akong papel na nasa sahig. It was neatly folded and it had a few scribbles on the outside. Pinulot ko ito at saka binasa nang malakas ang nilalaman.

"Isa, dalawa, tatlo,

Malungkot pa ako.

Magpaalam na kayo,

Sa mga mahal nyo.

Apat, lima, anim,

Tumakas ka ngayon.

Matakot sa dilim,

Dahil sa dadayon.

-A"

"Baby. Ikaw ba nagsulat nito?" Tanong ko kay Kei na napatigil sa kanyang ginagawa. "Ang creepy naman." I then jokingly giggled.

"Hindi ehh. Baka si Andrew nagsulat niyan. Alam mo namang mahilig yon sa tula."

Unwanted Vengeance [COMPLETED]Where stories live. Discover now