18

12.3K 352 92
                                    


"Isang tanong lang ang gusto kong sagutin mo, Troy. Do you love me?"


Muling ibinagsak ni Troy ang ulo sa sandalan ng sofa. Tumitig sa kisame. Pagkuwa'y nilinga ang dalaga. "Anette..."


"Let's be honest about this."


Napakahabang paghinga ang pinakawalan ni Troy. "I...I thought I did."Walang emosyong tumango si Anette. "I should have known. O mas tamang sabihing, I should have noticed. Minsan man ay hindi mo nasabi sa aking mahal mo ako. I just assumed because we're good together," she laughed drily. "...in bed."


"I'm sorry..."


She sighed bitterly. "So do I. Because I promised myself I could make you mine. Niloko ko lang ang sarili ko. You were never mine from the very start. Sa mga relasyon ko sa ibang lalaki, I don't easily get threatened by the presence of another woman. Marami ang nagsabi sa aking ganoon talaga kayo ka-close ni Jea mula pa ng mga bata kayo. Sure. But my instinct told me otherwise. Now I know," muli ay matabang itong tumawa.


Sa sandaling iyon nag-ring ang CP ni Troy. Sa ikatlong ring ay sinagot ng binata. "No!" usal nito sabay tayo. Iglap ang pagbangon ng takot at pag-aalala sa dibdib. "Darating ako," sa iilang hakbang ay narating nito ang pinto ng apartment. Pagkuwa'y biglang huminto at nilingon si Anette. "May emergency sa bahay. Can we continue this conversation some other time?"Umiling ito. "No, Troy. This is good-bye. And don't worry, I'll get by."


Sandali lang nag-atubili ang binata at nagmamadaling lumabas.


Sa daan ay halos paliparin nito ang sasakyan. Nasa cottage si Jea nang abutan ng pagsakit ng tiyan. Fifteen minutes na lakad mula sa cottage hanggang sa bahay ng mga Antonio. Subalit dahil hindi naman makalakad nang mabilis si Jea sa kalagayan nito'y mas matagal iyon.


Subalit sadyang nilalakad iyon ng dalaga bilang exercise. Hindi nito inaasahan ang maagang pagli-labor. And she was bleeding when she reached home. Agad na isinugod ni Laila ang anak sa ospital.


"'Ma!" tawag ni Troy nang matanawan ang ina sa information desk. "Kumusta na si Jea?""She's too weak and she's having a hard labor. Malamang na ma-caesarian ayon sa doktor," tuloy ito sa paglakad patungong DR habang nagsasalita."Bakit ganoon?" nagpa-panic niyang tanong. "Walang sinabi ang OB niyang caesarian siya? And 'Ma, walong buwan pa lang ang nasa tiyan niya!""Huwag mong dagdagan ang panic ng lahat, Troy," saway ni Mrs. Santillan sa takot na nasa tinig niya. "Let's just hope and pray that she'll get through with this smoothly."Sa labas ng DR ay naroon ang Papa niya kausap si Patrick. Si Laila ay tahimik na nakaupo sa bench. Nag-angat ito ng nag-aalalang mukha nang lumapit siya."Kumusta po ang lagay ni Jea, Tita?""Hindi pa lumalabas ang doktor niya at—" napalingon ito sa pinto ng DR nang umingit iyon at lumabas ang doktora ni Jea. Agad nitong nilapitan si Troy."Kailangang i-caesarian ang misis ninyo, Mr. Santillan. Nahihirapan ang bata at nanghina nang husto si Mrs. Santillan dahil sa takot at nawalang dugo," paliwanag nito."Eh, doktora," si Patrick na lumapit. "Hindi ho si Troy—""Gawin ninyong lahat ang inyong magagawa, Doktora," hindi niya pinatapos si Patrick. "I'll sign the necessary documents. At Doktora... gusto kong nasa tabi ako ni Jea 'pag isinagawa ninyo ang operasyon."Tumango ang doktora. "Ibibigay sa iyo ng attendant ang pipirmahan mo." At muling pumasok sa loob ng DR ang doktora."Troy, nagpapasalamat kami sa pagsagip mo sa kahihiyan ng aming anak," si Patrick. "Pero nalimutan mong sa sinabi mong iyan ay pangalan mo ang susundin ng bata."Hindi rin makuhang magsalita ng mga magulang ni Troy. Si Troy ay litong-lito. Natatakot sa maaaring kahihinatnan ni Jea at ng bata. Gusto nang sabihin sa lahat na siya ang ama ng dinadala ni Jea. Si Laila ang sumagot."Si Troy ang laging kasama ni Jea sa pagpapatingin kaya marahil inakala ni Dr. Lim na siya ang asawa."Siyang paglabas ng attendant at pinapirmahan kay Troy ang mga papel na sang-ayon itong i-caesarian si Jea. May dala rin itong kulay-asul na roba at inutusan siyang isuot iyon at sumunod sa loob.Naiwang walang masabi ang lahat.


"SWEETHEART," bulong nito sa pagitan ng mask na nakalagay sa mukha. Ginagap ang kamay ng dalaga.


"T-Troy..." nanghihinang sagot niya nang makilala ang tinig.


"Sshh. I will be with you. Hindi kita iiwan... pangako," gumagaralgal ang tinig nito. Namumutla ang dalaga.


"I-I'll try to be brave," umiikot ang paningin niya sanhi ng Demerol. Subalit humigpit ang hawak sa palad ng binata. Nakadama ng sekyuridad at kapanatagan.


"I love you, Janice Elizabeth... I love you," nagmamadaling sabi nito nang pumikit ang dalaga. Sa nagpa-panic na tinig ay gustong habulin ang kamalayan ni Jea. "Dream on that, sweetheart..." he planted a soft kiss on her dry lips.


"Dito ho kayo sa bandang ulunan, Mr. Santillan," ang anaesthesiologist.


"MOMMY," usal ni Jea sa nanunuyong lalamunan nang magmulat ng mga mata."Gising ka na pala, hija," agad na lumapit si Laila sa anak. "Kumusta ang pakiramdam mo?"Dinama nito ang tiyan. Ang naroon ay ang bandage. "A-ano ang anak ko, Mom?"


"Lalaki," nakangiting sagot ni Laila. "at babae, Jea."


Nagsalubong ang mga kilay niya. "W-what?"


"Kambal ang ipinanganak mo," excited na balita ni Laila. "Hindi nakita ni Doktora sa maagang ultra-sound mo dahil natatakpan ng isa. Isa pa'y hindi ka na muli pang nagpa-ultrasound...""A-are... they all right?"


"Thank God, at lahat kayo'y hindi nanganib. Nasa incubator ang dalawang sanggol dahil kulang sa buwan. But they are all right. Naroon ang Daddy mo at si Eugene at Inez. Nagkakagulo sa pagsilip sa kambal."


Tahimik siyang umusal ng pasasalamat. Naroon ang kaligayahan sa puso na ligtas ang mga anak. A twin! Hindi siya makapaniwala. Kaya pala halos hindi siya makahinga nitong lumalaki ang tiyan niya dahil dalawa ang naroroon.


Gusto niyang itanong sa ina si Troy subalit tila may bara sa lalamunan niya. She closed her eyes. Sinisikap alalahanin ang tila panaginip niya. Narinig niya ang tinig nito.


"Hindi kita iiwan... pangako..."


"I love you, Janice Elizabeth... I love you..."


She smiled faintly. She must have dreamt it all. Pero natitiyak niyang ang kaisipang iyon ang nagbigay sa kanya ng lakas.


"Lalabas muna ako, Jea, at ibibili kita ng kahit na anong mainit na sabaw." Dinampot ni Laila ang bag. "May gusto ka bang kainin o ipabili?"


"Kung ano na lang ang dala ninyo, Mom..." aniya at ipinikit na muli ang mga mata. Gusto niyang balikan sa isip ang panaginip.


Kahit man lang sa pangarap ay marinig niya ang mga salitang iyon.


*************Woww kambal pala ang anak ni Jea, congrats Jea :) - Admin A ***********************

Sweetheart 7 - Somewhere Between Lovers & Friends (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now