8

9.5K 303 32
                                    

"WHAT'S wrong, Je?" bungad ni Troy pagkaupo na pagkaupo sa mesa sa may sulok ng burger chain. "Bakit kailangang dito tayo magkita sa Trinidad?" Inikot nito ang tingin sa bagong tindahan. "Bagong bukas ang burger house na ito, ah. Magpapalibre ka lang yata at gustong tikman ang hamburger dito, eh," biro nito.


Hindi makasagot si Jea. Saan at paano siya magsisimula sa pagsasabing nagdadalang-tao siya? At ano ang magiging reaksiyon ni Troy?


"Hindi ka na kumibo. O, sige na, um-order ka na ng kahit sampung hamburger. Sagot kong lahat," niyuko nito ang baso ng juice sa harapan niya.


"I-ikaw na lang ang mag-order ng gusto mo. Tama na sa akin itong juice."Pumormal si Troy at matagal siyang tinitigan bago tumayo at humingi ng kape sa counter at in-order ang pinakamalaking hamburger ng chain na iyon. Pagkatapos ay dinala sa mesa at inilagay sa harap niya ang hamburger at ang kape'y para dito.


"May problema ba, Je?"Nanatili siyang nakayuko. Hindi niya kayang tingnan ang mukha ni Troy. At sa mahinang tinig ay: "I'm six weeks on the way, Troy."


"You—you're pregnant?" halos hindi mamutawi sa bibig ni Troy iyon.Tumango siya. Pilit sinikil ang pag-alpas ng hikbi lalo na nang mapunang ang ilang kababaihang bagong pasok ay natuon ang humahangang pansin kay Troy.


Inikot ng paningin ni Troy ang buong paligid. "Such an unromantic place to announce to me that you're pregnant. I would have preferred a candle light dinner in a cozy restaurant."


"Hindi biro ang sinasabi ko," she said when she detected humor in his voice."All right," muling bumalik sa pormal ang tono nito. "So what do you expect me to do now that you've told me you're pregnant with my child?"


"N-nothing," sinabayan niya iyon ng iling. Nag-angat ng mukha pero hindi pa rin kayang salubungin ang mga mata ng binata. "H-hindi ko naman sana balak sabihin sa iyo kaya lang—"


"Damn it, Jea," he drawled. "Bakit kailangang hindi ko malaman? Anak ko iyang dinadala mo.""I don't know what to do, Troy," she said helplessly. "Paano kung malaman ng Mommy at Daddy?"


Nang matagal na hindi kumibo si Troy ay nilakasan niya ang loob na tumingin dito. "H-hindi ko inaasahang pakasalan mo—"


"Iyon ang alam kong solusyon, Jea," agap nito. "Bago pa man dumating sa ganito'y inalok ko na sa iyo ang pangalan ko. And again, I'm asking you to marry me." He said calmly.


"Hindi naman kasal ang solusyon sa lahat," hirap niyang paliwanag.


Naningkit ang mga mata ni Troy sa galit. "Kung iniisip mong isuhestiyon sa akin ang abortion kaya mo ako kinausap dito'y mag-isip kang muli, Janice Elizabeth!"


"H-hindi man lang pumasok sa isip ko ang sinabi mo..."He sighed his relief nang sabihin niya iyon. "At dahil sinabi mo sa akin ito, ibig sabihin ay ipinauubaya mo sa akin ang solusyon. Magpapakasal tayo kung ganoon."


Umiling siya. "No. Hindi natin kailangang magpakasal. Tama na sa aking malaman mong nagdadalang-tao ako. At na tinatanggap mo ang magiging anak ko... natin," she smiled sadly.

Sweetheart 7 - Somewhere Between Lovers & Friends (COMPLETED) (UNEDITED)Where stories live. Discover now